Inabandonang bagong panganak na sanggol, na-rescue sa Malabon
- Published on December 24, 2024
- by @peoplesbalita
MATAGUMPAY na nailigtas ng mga awtoridad ang isang inabandonang bagong panganak na sanggol sa gilid ng kalsada sa Malabon City, Lunes ng umaga.
Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, dakong alas-6:40 ng umaga nang mapansin ng saksing si Marlyn Amado, 20, Vendor ng Brgy. Potrero ang isang pulang eco bag sa kanto ng Santolan Road at McArthur Highway, Bgry. Potrero.
Nang kanyang tignan, laking gulat ni Amado nang madiskubre sa loob ang isang bagong panganak na sanggol na buhay pa kaya agad siyang humingi ng tulong sa mga nagpapatrol tauhan ng Malabon Police Sub-Station (SS1).
Agad namang dinala ng mga tauhan ng SS1 sa pangunguna ni P/Lt. Benedicto Zafra ang sanggol sa MakatTao Hospital kung saan ito patuloy na inoobserbahan upang tuluyang mailigtas sa panganib ang baby.
Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan ang Malabon police sa mabilis na pagtugon, pati na ang babaing nakakita para mailigtas ang sanggol.
Iniutos na rin ni Col. Baybayan sa kanyang mga tauhan na rebisahin ang mga kuha ng CCTV sa lugar upang matukoy kung sino ang nag-abandona sa sanggol. (Richard Mesa)
-
Mahigit sa 879,000 namatay, naitala para sa taong 2021
ITINUTURING ng Commission on Population and Development (PopCom) na “deadliest” sa kasaysayan ng Pilipinas ang naitalang 879,000 filipinong namatay noong 2021. Sinabi ni PopCom executive director, Undersecretary Juan Antonio Perez III na ang kabuuang 879,429 na namatay na filipino ay batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong nakaraang taon. […]
-
Bagong number coding scheme pinag-aaralan
May bagong number coding scheme ang pinag-aaralan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipapatupad kung saan dalawang (2) araw sa isang (1) linggo na bawal ang pribadong sasakyan na lumabas sa mga lansangan. Inihayag ito ni MMDA chairman Romando Aries sa isang panayam na ginawa noong nagkaron ng President Duterte’s Talk to […]
-
Maayos na employment terms, benepisyo sa mga security guards
ISINUSULONG ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang pagpapabuti sa kapakanan ng mga security guards at iba pang miyembro ng private security industry sa pamamagitan ng pagtatalaga ng ilang probisyon ukol sa kanilang employment, working conditions at benepisyo. Kasama si Benguet Rep. Eric Yap, ipinanukala nina Duterte na mabigyan ang mga security guards […]