Inalala ang naramdaman sa pagpanaw ni Michael Jackson: ERIC at GARDO, bibida sa ‘Jackstone 5’ kasama sina ARNELL, JIM at JOEL
- Published on April 14, 2025
- by @peoplesbalita
ANG ‘Jackstone 5’ ay tungkol sa kuwento ng limang magkakaibigang bading na iniidolo ang grupong The Jackson 5 na kinabilangan noon ng yumaong King of Pop na si Michael Jackson mga kapatid niyang sina Jackie, Tito, Jermaine at Marlon Jackson.
Ang upcoming film ay kuwento rin ito ng komedya ng mga magkakaibigan at ang buhay matapos maging mga overseas Filipino workers.
Bida rito sina Eric Quizon, Gardo Versoza, Arnell Ignacio, Jim Pebanco at Joel Lamangan na siya ring direktor ng pelikula.
Natanong ang limang cast members kung sa tunay na buhay ay nagkaroon sila ng pagkakataon na makita ng personal o mapanood ng live in concert si Michael noong nabubuhay pa ito?
At ano ang naging reaksyon nila sa biglang pagpanaw si Michael noong June 25, 2009 (sa edad na singkuwenta) dahil sa cardiac arrest?
Lahad ni Eric, “I saw the Jackson 5 concert in 1976 when I was…. so napanood ko siya kasama ko yung daddy ko tsaka yung mga kapatid ko.
“So siyempre iba, iba, hanggang ngayon vivid yung memory ko of that concert. So siyempre Michael Jackson yan e, so nadidinig ko talaga na kumakanta siya, na ang taas ng boses niya.
“Kumbaga parang even up to now, just remembering it, alam mong magkaka-goosebumps ka, so iyon yung naging experience ko with Michael Jackson.”
Ang reaksyon ni Eric sa pagkamatay ng King of Pop?
“Siyempre sad, of course, legend yan e.
“At siyempre lahat naman tayo, we all love his music. Siyempre lahat naman parang ang effect niyan, parang Princess Diana din e, ganun yung effect niyan sa tao.
“Kasi remember he’s an icon and he died at a very young age. So parang gone too soon, yung ganun. Parang alam mo na meron pa siyang maiko-contribute sa music industry.
“Na sayang, sayang that he died at a very young age.”
Kuwento naman ni direk Joel, “Napanood ko yung concert sa Araneta ng 70’s, batang-bata pa rin ako noon.
“Hindi ko nakita yung Michael Jackson na may edad na, yung batang Michael Jackson, na kumakanta ng tungkol sa kanyang daga, ‘Ben.“Yun ang Michael Jackson na nakilala ko.
“Noong namatay siya, wala naman, wala akong naramdaman.
“Namatay siya, alangan namang umiiyak ako?
“Wala lang, namatay siya, e mamamatay naman ang mga tao talaga, e siya bata pa, nanghinayang lang ako.”
Say naman kay Arnell, “Napanood ko si Michael Jackson nung dumating na siya rito, Michael Jackson na siya nung nakita ko siya, soloista na, dun sa grounds ng MOA ba yun?
“Di ba nagpunta siya dito noon? It’s an unforgettable experience kung paano siya mag-stage ng kanyang show.
“Kitang-kita mo na lahat ng detalye, parang pine-perfect and ang dami niyang mga palagay ko na sa kanya lang babagay.
“Like may mga poses siya na hindi mo naman maintindihan kung bakit ka pumapalakpak, yung parang sa kanya ko lang napanood yun.
“Yung hindi mo alam talaga, na para kayong hinihigop na hangaan niyo siya, and as a performer, you can only dream of reaching half of a or even less than half of kung ano yung naabot niya.
“Nung namatay siya, actually hindi ko rin maintindihan kung bakit ako naiyak kasi parang hindi ko maintindihan, hindi mo maisip paano mawawala si Michael Jackson, e kumakanta pa nga lang siya ng kanta ng daga, e naririnig mo na.
“So performer ako nun, banda-banda ako nun, so yung mga kanta niya parang may sentimental value sa akin, pero hindi naman ako humagulgol noon, parang isang tear lang, one lang, after that wala na,” at tumawa si Arnell.
“Ako, fan na fan ako ni Michael,” bulalas ni Gardo.
“Like noon mayroon ako mga cassettes niya, mga steps niya inaaral ko.
“So nung time na nawala siya mabigat sa akin kasi parang hindi siya namatay sa katandaan, kumbaga napadali.
“And then like, feeling ko parang nung time na bago siya namatay, like dun sa concert tour niya, parang feeling ko masyado na rin siyang sinagad.
“Parang sana kumbaga ibinigay na lang sa kanya na hindi masyadong mabigat yung mga rehearsals niya, so may nabasa ako na parang siya na mismo yung sumusuko, hindi na niya kinakaya yung pag-ikot at pag-practice para dun sa concerts niya.
“So siguro isa na rin yun sa mga nagtulak sa kanya para kinakailangan niyang mag-rely sa mga painkillers, so kahit katiting meron akong sakit na naramdaman nung nawala siya.
“Pero like nung peak niya, iyon, kumbaga isa ako sa mga nakikisayaw, nakikisabay sa kanya.”
Hindi raw nagkaroon si Gardo na makita sa personal si Michael.
Lahad naman ni Jim, “I’m a fan of Michael Jackson, Jackson 5 pa, medyo nalungkot ako kasi na-disband yung lima.
“Magagaling yung magkakapatid, magagaling.
“And then, hindi ako nakapanood ng concert pero yung mga documentaries at yung mga movies napanood ko yun.
“I’m a fan, kasi total performer, like Gary Valenciano, di ba?
“Nalungkot ako, kasi gone too soon, I’m a fan up to now, alam ko halos lahat ng kanta ni Michael Jackson.”
Ang ‘Jackstone 5’ ay sa panulat ni Eric Ramos at produced ng Royal Star Media Production Philippines, Inc. at mula sa line producer na si Dennis Evangelista.
(ROMMEL L. GONZALES)
Other News
-
Grupo ng mga magsasaka, ikinalungkot ang umano’y minadaling plano na pagbabawas sa taripa ng bigas
IKINALUNGKOT ng Federation of Free Farmers ang mistulang pagmamadali ng gobyerno na bawasan ang taripa ng mga inaangkat na bigas. Maaalalang unang nagtakda ang Tariff Commission ng online public hearing ngayong araw para dinggin ang petition ng Foundation of Economic Freedom (FEF) na ibaba ang taripa ng bigas mula sa dating 35% patungong […]
-
Ads September 12, 2023
-
DA, tutulungan ang mga magsasaka na mapababa ang production cost
TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) na tutulungan nito ang mga magsasaka na mapababa ang production costs, kinokonsiderang pangunahing dahilan sa pagtaas ng market price ng bigas. Sinabi ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista na masusi nang nakikipag-ugnayan ang departamento sa grupo ng mga rice farmers dahil na rin sa pagtaas ng presyo […]