• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Inaming na-bully sa pagiging ‘balbon’: YASSER, nanliligaw pa lang kay KATE at ‘di pa girlfriend

WALA pang relasyon sina Yasser Marta at Kate Valdez.

 

 

Iyan ang nilinaw mismo ni Yasser sa guesting niya sa episode ng ‘Fast Talk with Boy Abunda’ kamakailan.

 

 

Tinanong kasi ni Tito Boy ang hunk Sparkle actor kung sila na ba ni Kate.

 

 

“Hindi pa po Tito Boy,” ang sagot ni Yasser, pero inamin niya na nililigawan niya ang magandang aktres na regular na napapanood sa ‘Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis’ sa GMA.

 

 

“Nanliligaw po ako sa kanya, nililigawan ko siya Tito Boy. Pero mas nandoon kami sa ine-enjoy lang namin ‘yung companionship ng bawat isa.

 

 

“Tsaka ayaw din naming madaliin, mas maganda yung may nabi-build kayong foundation,” sinabi pa ni Yasser.

 

 

Samantala, naikuwento rin ni Yasser na noon pala ay madalas siyang ma-bully dahil sa pagiging balbon!

 

 

Pero sa ngayon ay tanggap na niya ang pagiging balbon ay isang katangian.

 

 

Sa Fast Talk segment rin kasi ng talk show ay ipinakumpleto kay Yasser ang pangungusap na, “I am Yasser Marta, I am sexy because…”

 

 

“I am Yasser Marta, I am sexy because mabalbon ako,” sagot ng Kapuso actor.

 

 

“Kasi noong bata ako Tito Boy binu-bully ako dahil sa buhok, e. Unggoy daw, laging sinasabing buhok na tinubuan ng tao,” pagbabahagi pa ni Yasser.

 

 

“Pero ngayon po natutunan ko na rin pong i-embrace rin, hindi naman yung imperfections, pero kung ano talaga ako kasi dito sa atin bihira naman yung may ganitong features.

 

 

“Pero tinanggap ko na rin at mas naniniwala ako na I am unique,” pahayag niya.

 

 

Kaya nga makikita sa mga social media post ni Yasser ang kanyang mabuhok na kaseksihan.

 

 

“Nasimulan ko na Tito Boy, nag-underwear na ako so for me, ngayon iyon din ang isa sa mga pinagpo-focus-an ko,” wika niya.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • NCR , mananatili sa Alert Level 2 status

    MANANATILI sa Alert Level 2 classification ang National Capital Region mula Pebrero 16 hanggang 28, 2022.     Inilagay naman ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Lunes, Pebrero 14, 2022, ang mga sumusunod na lugar sa ilalim ng  Alert Level 3 mula  Pebrero 16 hanggang  28, 2022: Iloilo City, Iloilo Province at Guimaras sa […]

  • PDu30, inatake ang Senado sa ginagawa nitong imbestigasyon ukol sa multibilyong pisong halaga ng COVID-19 pandemic na binili ng Pilipinas

    MULING inatake ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Senate blue ribbon committee sa gitna ng isinasagawa nitong imbestigasyon hinggil sa multibilyong pisong halaga ng COVID-19 pandemic na binili ng Pilipinas.   Sa kanyang Talk to the People, araw ng Miyerkules, muling kinastigo ni Pangulong Duterte si Senator Richard Gordon, chairman ng nasabing komite at tinawag […]

  • Wala nang atrasan sa pagtakbo bilang Mayor ng Maynila: MAHRA, handa nang sagupain sina Mayor HONEY, ISKO, RAYMOND at Rep. SAM

    DESIDIDO na at wala nang atrasan si Mahra Tamondong sa pagtakbo bilang mayor ng Maynila sa darating na May 2025 elections.     Handang-handa na raw niyang sagupain at harapin si incumbent Mayor Honey Lacuna, ang gustong magbalik-puwesto na si Isko Moreno at sina Congressman Sam Verzosa at Raymond Bagatsing.     Unang-una raw sa […]