• April 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Inanunsiyo isang araw bago ang kanyang kaarawan: VILMA, nagkaroon pa rin ng COVID-19 kahit sobrang ingat na

MAS lalo raw ginagalingan ni Jeric Gonzales ang pag-arte kapag nakararating sa kanya ang pambabatikos ng iba tungkol sa papel niya bilang si Davidson Navarro sa Start-Up PH.

 

 

Alam niya na hindi lahat ay kaya niyang i-please, na mayroon pa ring ilan na hanggang ngayon ay hindi matanggap na kasali siya sa cast ng naturang GMA drama series.

 

 

Pero sa halip na maapektuhan in a negative way, iyon mismo ang nagsisilbing inspirasyon kay Jeric para husayan ang akting niya sa kanilang show nina Alden Richards, Yasmien Kurdi at Bea Alonzo.

 

 

Kaya kung may namimintas, mas marami ang pumupuri ngayon kay Jeric dahil nabibigyan niya ng hustisya ang kanyang papel at napapatunayan niya sa mga detractors na may K o karapatan siya na maging parte ng Start-Up PH.

 

 

***

 

 

NAKU, wala na nga talagang pinatawad ang COVID-19!

 

 

Akalain mong kahit super-ingat na ang Star For All Seasons na si Vilma Santos ay tinamaan pa rin siya ng mapaminsalang sakit.

 

 

At ang nakakawindang pa, inanunsiyo ni Ate Vi na nagka-COVID siya noong November 2, isang araw bago ang kaarawan niya mismo.

 

 

Ayon pa kay Ate Vi, negatibo na naman siya sa virus pero ang dumapo raw sa kanya ay iyong tinatawag na ‘long COVID’ dahil nagkaroon ng complications. Kaya may mga nararamdaman pa rin siya sa katawan at kailangan pa rin niyang magpahinga.

 

 

 

(ROMMEL GONZALES)

Other News
  • Ads July 30, 2022

  • BIR inadjust ang floor prices ng sigarilyo, vape products at iba pa

    NAGLABAS  ang Bureau of Internal Revenue Philippines (BIR) ng mga bagong tax update na nagre-regulate sa floor price ng Sigarilyo, Heated Tobacco, Vaporized Nicotine, at Non-Nicotine Products sa pamamagitan ng pag-isyu ng Revenue Memorandum Circular No. 49-2023 noong Mayo 5.     Alinsunod sa mga umiiral na batas, ang BIR ay may mandato na magbbigay […]

  • Naniniwala si Eugene na magiging sikat na artista: POKWANG, kinumpirma na papalitan niya ang apelyido ni MALIA

    NANINIWALA si Eugene Domingo na magiging sikat na artista ang anak ni Pokwang na si Malia.     Sa kanilang pictorial ng pelikulang ‘Becky at Badette’ ay isinama raw ni Pokwang si Malia sa set. Ikinatuwa ito ni Eugene dahil lahat daw ng tao roon ay nagsasabing artistahin si Malia.     “Our sunshine! The […]