Inatasan ni Speaker Lord Allan Velasco na buksan at simulan ang deliberasyon
- Published on January 12, 2021
- by @peoplesbalita
Inatasan ni Speaker Lord Allan Velasco ang House Committee on Constitutional Amendments na buksan at simulan ang deliberasyon sa pag-amyenda sa mga mahihigpit na probisyon sa ekonomiya, na nakasaad sa ilalim ng 1987 Saligang Batas, sa isang Resolution of Both Houses (RBH) 2 na kanyang inihain.
Ayon kay Velasco, noong inihain niya ang RBH 2 noong Hulyo 2019 ay tinatahak na ng bansa ang landas na maging isa sa pinaka- maunlad na ekonomiya sa rehiyon ng Asya.
Sa katunayan aniya ay ginawaran ng World Bank ang Pilipinas ng pagtaya na 6.6 prosyentong pag-unlad ng ating GDP para sa taong 2020 at 2021.
Walang nakahula sa paglaganap ng pandaigdigang pandemya, kabilang na ang pananalasa nito sa mga ekonomiya ng mga bansa sa buong mundo.
Sinabi nito na upang matugunan ang mga kaganapang ito para makaahon ang ekonomiya sa pagkakalugmok ay nagpasa ang kamara ng P4.506-trilyong pambansang badyet para sa 2021, na kinabibilangan ng P72.5-bilyong halaga para sa pagbili ng bakuna sa COVID-19 para sa mga Pilipino.
Pinalawig din ang kakayahang magamit ang mga inilaang pondo sa Bayanihan to Recover As One Act o Bayanihan 2, at ang 2020 General Appropriations Act upang matulungan ang bansa na makaahon sa pandemya.
Sa marahang pagbubukas ng pandaigdigang ekonomiya ng maraming bansa, sinabi ni Velasco na hindi niya hahayaang maiwan ang Pilipinas, lalo na sa pamuhunan at oportunidad.
Kailangan aniyang samantalahin ang pagkakataon kung nais makaahon mula sa pagkakalugmok ang ekonomiya ng bansa mula sa COVID-19.
Idinagdag pa nito na tungkulin ng mga halal na mambabatas na magpasa ng mga nararapat na batas na magbibigay ng kapangyarihan sa pamahalaan upang sagipin ang mamamayan sa nararanasang hirap, lalo na sa gitna ng hindi inaasahang kagipitan.
Layunin ng RBH 2 na pagaanin at paluwagin ang mga mahihigpit na probisyon sa ekonomiya ng ating Saligang Batas, na nagiging sagabal upang magkaroon ng ganap na kakayahan na makipagkumpitensya sa mga kapit-bansa sa Asya.
“Ating hinihiling na amyendahan ang mga Seksyon 2, 3, 7, 10 at 11 ng Artikulo XII (National Patrimony and Economy), Seksyon 4 ng Artikulo XIV (Education, Science and Technology, Arts, Culture and Sports) at Seksyon 11 ng Artikulo XVI (General Provisions) at idaragdag ang mga katagang “unless otherwise provided by law.”
Ang pagdaragdag ng mga katagang ito ay magpapahintulot sa kongreso na magsabatas ng mga panukala upang paluwagin ang ekonomiya para sa mga dayuhang mamumuhunan at pairalin ang status quo.
Napakalaki ng ginagampanang papel ng dayuhang pamuhunan sa ekonomiya ng Pilipinas, dahil magdudulot ito ng mahalagang suporta sa mga lokal na trabaho at kabuhayan, at ang pagtatatag ng mga pisikal at puhunang karunungan sa iba’t ibang industriya.
Ayon pa sa lider ng Kamara, ang pangangailangang makaakit ng dayuhang pamuhunan ay lubos na mahalaga sa pagsisikap na makaahon sa ekonomiya mula sa pahirap na dulot ng COVID-19.
“Umaasa tayo na matatapos natin ang debate at deliberasyon bago matapos ang taong 2021 at maipiprisinta natin ito sa sambayanang Pilipino para sa ratipikasyon, kasabay ang halalan sa bagong pamunuan sa 2022 national elections. Tinitiyak ko po sa ating mga mamamayan na ang gagawin nating debate at pagtalakay sa RBH 2 ay magiging hayagan at makatarungan,” pagtatapos ni Velasco. (ARA ROMERO)
-
Caritas Manila, ikakasa ang 2nd-round na tulong sa mga nasalanta ng bagyong Kristine
NAGHAHANDA na ang Caritas Manila sa second-round ng pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng bayong Kristine. Ito ang inihayag ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila kasabay ng isinasagawang Typhoon Kristine Telethon ng Caritas Manila at Radio Veritas. Unang nagbahagi ng kabuuang 1.2 milyong piso cash ang social arm […]
-
Initial rollout sa mga comorbidities na may edad na 12 hanggang 17 sa NCR, kasado na
DAHIL ‘steady” ang bakuna sa bansa, magsisimula na sa darating na Biyernes, Oktubre 15 ang initial rollout para sa mga may comorbidities na may edad mula 12 hanggang 17 sa National Capital Region (NCR). Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na magsisimula na ang pamahalaan sa juvenile vaccination. Magsisimula na rin aniya ang […]
-
Gustong tumulong at maka-inspire sa marami: GELA, passion and advocacy project ang ’Time To Dance’
MAGSISIMULA na ang kilig at galing ng mga mananayaw sa “Time To Dance,” ang newest dance survival reality show ng ABS-CBN at Nathan Studios sa pangunguna nina Gela Atayde at Robi Domingo, na ipalalabas ngayong gabi (Enero 18) sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z. Sa naganap mediacon noong Huwebes (Enero 16), ikinwento ng New […]