• July 8, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Inbound travel sa Region 6, limitado

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force ang kahilingan ng Western Visayas officials na limitahan ang inbound travel sa rehiyon bunsod ng patuloy na tumataas na infection.

 

Ang mga biyahero mula sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Cebu City at Davao City ay pinagbabawalan na pumasok sa Region 6 kabilang na ang holiday island Boracay, hanggang Abril 10, 2021.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang Metro Manila at ang paligid ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal provinces– kilala bilang NCR Plus–ay nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine hanggang April 11.

 

Inaprubahan naman ng IATF ang pagbili ng 500,000 antigen test kits para palakasin ang COVID-19 screening sa NCR Plus, Batangas at Pampanga provinces.

 

Samantala, hinikayat naman ng task force ang local governments sa NCR Plus na magpatupad ng community services sa halip na pagmultahin ang mahuhulig lumabag sa coronavirus protocols. (Daris Jose)