INDAY SARA: PROTEKTAHAN NATIN SI BBM!
- Published on November 23, 2021
- by @peoplesbalita
HINIMOK ni vice presidential bet Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang kanyang milyun-milyong supporters na protektahan si presidential aspirant Bongbong Marcos at ang mapagkaisa nilang tambalan na BBM-Sara Uniteam.
“Anong magagawa ninyo? Tayong lahat? Anong magagawa natin? Sa ating suporta para masigurado natin, maipakita natin na hindi lang para sumuporta lang tayo pero walang mangyayari sa pangarap nating inaasam-asam. Anong mgagawa nating lahat? Kailangan masigurado natin na maprotektahan ang ating pagsuporta, protektahan natin ang ating kandidato, protektahan natin si BBM,” ito ang naging pahayag ni Inday Sara sa kanyang talumpati sa Tagum City sa okasyon ng ceremonial kickoff ng BBM-Sara Uniteam nationwide synchronize unity ride.
Sinabi ni Inday Sara na tiwala siya na ang mga karanasan ni Bongbong na nagsilbi bilang gobernador, kongresista at senador ang mga mapaghuhugutan niya para sa pagsisilbi bilang pangulo ng Pilipinas.
“Bakit si Bongbong Marcos ang pinili ko na makapartner? Unang-una he is a former governor, hindi natin maitatanggi o kailangan pagtalunan ‘yung karanasan niya bilang governor, parang ako, local chief executive, pangawala, meron din siyang experience sa House of Representatives naging congressman siya at naging senador siya, pinili niyo at binoto niyo kaya naniniwala ako na . . . I confidently believe na ‘yung mga karanasan niya bilang governor, congressman at senador ‘yan ang tutulong sa kanya para magawa niya ang trabaho sa pagkapangulo ng Pilipinas,” pahayag pa ng alkalde ng Davao City.
“Often times in life we find ourselves to be the leader, but sometimes in our lives, we need to stand behind another leader,” sabi pa ni Inday Sara
Si Bongbong at Sara ay patuloy na nangunguna sa lahat ng pormal (methodological) at “random, real-time man on the street” presidential at vice presidential preferential survey sa buong bansa.
Samantala, sa nasabing okasyon ibinida naman ni Bongbong na ang “BBM-Sara Uniteam” nationwide synchronized caravan ay isang “positively-charged, voluntary mass action” para sa pambansang pagkakaisa, kapayapaan at progreso.
“Napagtagumpayan ng Pilipino ang digmaan, ang mga bagyo, ang mga sakuna, ang mga krisis dahil sa pagkakaisa,” pahayag ni Marcos. “Mapagtatagumpayan natin ang pandemya sa pamamagitan ng pagkakaisang ‘yan na likas sa atin. Sama-samang babangong muli ang mga Pilipino!”
Bukod sa Davao City, Tagum City at Davao del Norte, milyon-milyong supporter ng BBM-Sara Uniteam ay nakilahok din sa “unity ride” sa may 15 lalawigan at 30 mga siyudad sa Mindanao, Bicol Region, Calabarzon, Metro Manila hanggang Abra at Northern Luzon.
-
Hindi cha-cha ang sagot sa pandemya at magbabangon sa sadsad na ekonomiya
Ito ang pahayag ni Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat kasunod nang pagpasa ng House Committee on Constitutional Amendments ang Resolution of Both Houses no. 2 na nagsusulong sa economic Charter Change o Cha-Cha ng 1987 Constitution. “Isang dumadagundong na pagkundena sa pagmamadali at pagratsda nang walang pakundangan sa panukalang Cha-Cha ng Kongreso. Ito ay […]
-
MAX, kinumpirmang legally separated na sila ni PANCHO
“WE’RE legally separated na. Yes, it’s official na. Yes, we are already,” pagkumpirma ni Kapuso actress Max Collins sa status nila ng ex-husband nq si Pancho Magno. Ayon kay Max, naaprubahan sa Amerika ang diborsyo nila ni Pancho noong isang buwan. Isang American citizen si Max kaya maaari siyang magsampa ng divorce. […]
-
OPM Icon na si Claire, pumanaw na dahil sa cardiac arrest
NAGLULUKSA ang mga OPM artist sa pagpanaw ng kinilalang “The Karen Carpenter of the Philippines” na si Claire dela Fuente. Cardiac arrest ang dahilan ng pamamaalam ni Claire nitong March 30 sa edad na 62. Isa sa maituturing na OPM icon si Claire dahil sa mga sumikat niyang mga awitin noong […]