• May 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Indibidwal o pamilyang nakatira sa ECQ, makatatanggap ng cash aid mula sa gobyerno

IBINALITA ng Malakanyang na may matatangap na cash aid ang mga mamamayang nakatira sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

 

Sinabi ni Sec. Roque na may matatanggap na P1,000 hanggang P4,000 na cash aid ang ibibigay kada pamilya sa lugar na nasa ilalim ng ECQ gaya ng Iloilo province, Iloilo at Cagayan de Oro City at Gingoog City.

 

Ito aniya ay manggagaling sa sa programa ng DSWD na Assistance to Individuals to Crisis Situation (AICS).

 

“Inaprubahan na po ng Presidente (Rodrigo Roa Duterte) ang pagbigay ng P1,000 tulong sa mga nangangailangan mga kababayan natin sa mga areas na nasa ilalim ng ECQ at ito po ay hanggang maximum na hanggang P4,000 kada pamilya,”

 

Ang pondo ani Sec. Roque ay dina-download sa mga lokal na pamahalaan ng Iloilo province, Iloilo at Cagayan de Oro City at Gingoog City.

 

‘Ulitin ko po, nandiyan na po iyong assistance na sinabi ng Pangulo na kinakailangang ibigay kapag tayo po ay nag-ECQ. Ito po ay P1,000 kada tao or maximum na P4,000 kada pamilya

 

Ang mga lugar na nasa ilalim ng ECQ ay mula Hulyo 16 hanggang Agosto 7. (Daris Jose)

Other News
  • Willing maghintay kung kailan puwedeng ligawan: JEFF, dinadaan na lang sa tawa ang pamba-basted ni JILLIAN

    Willing maghintay kung kailan puwedeng ligawan: JEFF, dinadaan na lang sa tawa ang pamba-basted ni JILLIAN   DINADAAN na lang ng Sparkle hunk na si Jeff Moses sa tawa tuwing inuungkat ang pamba-basted daw sa kanya ni Jillian Ward. Kahit na itanggi pa niya na okey lang na hindi raw muna nagpapaligaw si Jillian, makikita sa mga […]

  • 42 grupo bilang partylist at koalisyon, pinapakansela ng Comelec

    IPINAG-UTOS ng Commission en banc ang pagkansela sa registration at pagtanggal sa listahan ang 42 grupo bilang Partylist at koalisyon.   Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na sa desisyon ng en banc ngayong araw , natuloy na bigong lumahok sa nagdaang dalawang eleksyon ang 11 organisasyon.   Bigo namang makakuha ng dalawang porsyiemto ng […]

  • Gobyerno, “ALL OUT” laban kay VP Sara

    “ALL OUT” ang gobyerno laban kay Vice President Sara Duterte matapos na magbanta ito na ipatutumba ang First Couple na sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Unang Ginang Liza Araneta-Marcos at House Speaker Ferdinand Romualdez kapag may nangyari umanong masama sa kanya.     “I hope people understand that, there is nothing personal about this, […]