• July 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Inflation, magsisimulang humupa sa Enero, balik sa target range sa Hulyo –BSP

INAASAHAN na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magsisimulang bumagal at humupa ang  inflation sa Enero ng susunod na taon at babalik ito sa normal na  target range sa Hulyo.

 

 

Sinabi ni BSP governor felipe medalla na ang inflation ay magsisimulang maging normal matapos na  umabot ito sa pinakamataas ngayong buwan kasunod ng   14-year high na 8.0% noong nakaraang buwan.

 

 

“Well ang tingin ko, huhupa na ang inflation, so inflation will be normal by the third, the fourth quarter of 2023. This hopefully will continue for the rest of 2024., so inflation will be normal by the third, the fourth quarter of 2023. This hopefully will continue for the rest of 2024,” ayon kay Medalla.

 

 

“January will be lower than December. February inflation will be lower than January, and so on and so forth so that by July or August next year, normal na uli ang inflation,” dagdag na wika nito.

 

 

Noong nakaraang linggo, sinabi ng  BSP na inaasahan nito na ang inflation ay papalo sa average na 5.8% ngayong taon, Hindi nagbago mula sa mga nakalipas na  projections o pagtataya noong nakaraang buwan. Mas mataas din ito kumpara sa target range na 2% hanggang 4%.

 

 

“The peak is projected this December, due to higher food prices caused by recent typhoons, along with higher prices of liquefied petroleum gas (LPG) and electricity rates,” ayon sa ulat.

 

 

Inanunsyo naman ng Manila Electric Company (Meralco) ang “higher electricity rates” habang ang oil firms naman ay nagtaas ng presyo ng LPG products para ngayong buwan ng Disyembre.

 

 

Para sa taong 2023, inaasahan ng Monetary Board na ang inflation ay papalo sa 4.5%, mas mataas kumpara sa 4.3% na naitala noong mga nagdaang   monetary policy meeting. (Daris Jose)

Other News
  • Kris, nag-power trip kaya ayaw nang maka-trabaho nina Lolit at Cristy

    MAY isang oras kaming nakatunganga at nag-iisip bago namin simulan ang balitang ito dahil pareho naming mahal ang dalawang taong bida sa kuwento namin.   Sina ‘Nay Cristy Fermin na nanay ko sa showbiz at isa sa mentor ko sa pagsusulat at si Kris Aquino na katrabaho naming halos dalawang dekada na at nakatulong sa […]

  • Sotto sinimulan na ang NBAGL training

    NAKASAMA na ni Kai Zachary Sotto at mga kakampi sa National Basketball Association Gatorade League (NBAGL)  Select Team para sa training camp sa nakatakdang magbukas sa taong ito na 19th NBA G League 2020-21 sa Amerika.   Ipinost ng 18-anyos, 7-2 ang taas na Pinoy cage phenom sa kanyang Instagram account na nasa Walnut Creek, […]

  • Pinas, magdo-donate ng COVID-19 vaccines sa Southeast Asian nations –NTF

    MAGDO-DONATE ang Pilipinas ng COVID-19 vaccines sa mga kalapit-bansa sa Southeast Asia sa gitna ng sobrang suplay sa bansa.     Sa katunayan ani National Task Force (NTF) Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa ay walang problema sa suplay ang bansa.     At gaya aniya ng sinabi ni NTF chief implementer Carlito Galvez […]