• April 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Informal workers hindi kasama sa panukalang subsidiya ng pamahalaan; MSMEs, prayoridad

NILINAW ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi raw kasama ang lahat ng minimum wage earners sa P24 billion na panukalang subsidiya ng labor department.

 

 

Sinabi ni Labor Asec. Dominique Tutay, hindi raw kasama sa naturang panukala ang mga freelancers o informal sector workers.

 

 

Ang pinag-uusapan daw kasi dito ay ang mga formal sector worker dahil ito raw ang mayroong employer-employee relationship at ito ang mga bumabalik ngayon.

 

 

Dahil daw sa kanila ay muling sumisigla ang mga sektor sa paggawa habang patuloy ang pag-recover ng bansa sa epekto ng pandemic.

 

 

Dagdag ni Tutay, uunahin din umano nila ang micro, small, and medium enterprises (MSMEs), dahil sila ang labis na maaakeptuhan kapag nagtaas ng minimum wage.

 

 

Natanggap na rin umano ng DOLE ang 10 wage hike petitions mula sa anim na rehiyon kasama na ang National Capital Region.

 

 

Nakatakda na raw sumailalim sa konsultasyon dito ang Labor department sa susunod na linggo.

 

 

Sa kanilang panukala, nais nilang makatanggap ng P8,000 na subsidiya ang bawat empleyado sa loob ng 3 buwan.

 

 

Inirekomenda ng department na ang pondo ay kukunin sa contigency fund ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Sa ngayon, pirma na lamang daw ng chief executive ang kailangan para sa kanilang panukala.

 

 

Una rito, sinabi ni Department of Finance Asec. Paola Alvarez na sa ngayon ay wala pang pondo ang pamahalaan sa naturang panukalang subsidiya.

Other News
  • Australian visit ni PBBM, makapagpapalakas sa umiiral na “bonds of cooperation”

    LUMIPAD kahapon Feb 28, Miyerkoles si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. tungo ng Canberra para palakasin ang umiiral na “bonds of cooperation” at talakayin ang mga bagong paraan ng pakikipagtulungan sa Australia.     Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Ma. Teresita Daza na magsasagawa ang Pangulo ng […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 40) Story by Geraldine Monzon

    NAGSIMULA na ang welcome party para kay Bela. Kulang ang kanyang pagdiriwang kung hindi darating ang itinuring na niyang pangalawang ina. Subalit wala ito sa hanay ng mga naroon. Sa halip, ang natagpuan ng kanyang mga mata ay ang isang tao na hindi niya inaasahan na makakarating doon…nakatayo sa pintuan bakas ang pagkagulat sa mukha […]

  • Higit 10% ng populasyon ng Pinas fully vaccinated na kontra COVID-19

    Sinabi ito ni Galvez matapos na dumating kahapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang karagdagang mahigit 300,000 Moderna vaccines.     Sinabi ni Galvez na mahgit 24.1 million ng bakuna na magkakaiba ang brands ang nagamit na sa iba’t ibang panig ng bansa, kung saan 12.9 million dito ang first dose at 11.2 million […]