• September 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Infra program ng administrasyong Marcos: Nabawasan, naging P8.2 trillion na lang

PUMALO na lamang sa P8.2 trillion mula sa P9 trillion ang kabuuang investment cost ng infrastructure flagship projects (IFPs) ng administrasyong Marcos matapos na linisin at walisin  ng economic team ang inulit lamang na proyekto.

 

 

Kabilang dito ang sinimulan sa ilalim sa nakalipas na administrasyon.

 

 

“The total investment value, we used to say P9 trillion, is now estimated at P8.2 trillion,” Diokno said during his weekly press chat.

 

 

Buwan ng Marso, inaprubahan ng  National Economic and Development Authority Board (NEDA) Board, pinamunuan ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. (chairman) ang  kabuuang 194 IFPs halaga ng P9 trillion, binubuo ng 123 “bagong ” proyekto at 71 mula sa nakalipas na mga administrasyon.

 

 

Winika ni Diokno na natuklasan ng economic team  ng administrasyon na  “some redundancies, that’s why it was reduced…”

 

 

Samantala, sinabi pa ni Diokno na ang 194 IFPs, “68 projects are currently on-going implementation, 25 are approved for implementation, nine for government approval, 52 are under project preparation, and 40 are under pre-project preparation.”

 

 

Kabilang sa nagpapatuloy na IFPs at iyong mga inaprubahan para ipatupad ay 19, inaasahan na makokompleto sa pagtatapos ng 2023.

 

 

Ang kabuuang 79 proyekto ay target naman na makompleto sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Marcos.

 

 

“The top three sources of funding for the infrastructure program are official development assistance, which has the biggest share at P4.51 trillion; followed by public-private partnership at P2.5 trillion; and the national budget or the General Appropriations Act at P850.58 billion,” ayon sa ulat.

 

 

Sinasabing, naglaan ang administrasyong Marcos ng  5% hanggang  6% ng gross domestic product (GDP) ng bansa para sa  infrastructure initiative nito. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Wish ng fans na mabuntis na sa 2024: SARAH, hindi napi-pressure sa pagkakaroon ng baby

    MARAMING fans ni Sarah Geronimo ang nalungkot sa pagkaka-postpone ng concert nito kasama si Bamboo sa Clark, Pampanga. Medical reason ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang naturang concert. Inabisuhan daw si Sarah ng kanyang doktor na magpahinga muna. “Medyo nagkulang po ng preparations vocally and physically. so medyo it took a toll doon sa […]

  • Nagpapasalamat sa lahat na patuloy na nagdarasal: KRIS, muling nagbigay ng update sa kalusugan at procedures na pinagdaraanan

    LAST June 30, muling nag-post sa Instagram si Queen of All Media Kris Aquino para magbigay ng update sa kanyang kalusugan.     Nasa Amerika nga si Kris kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby, para magpagamot sa kanyang karamdaman.     Panimula ni Kris na patuloy na lumalaban, “For now, 12 noon, […]

  • Galvez nag-sorry sa mga ‘lapses’ sa protocols sa dolomite beach

    Humingi ng paumanhin sa publiko si National Task Force Against COVID-19 (NTF) chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa pagdagsa ng maraming tao sa dolomite beach sa Manila Bay.     Pinangangambahan kasi ng ilang health experts na maging super spreader event ang pagpunta ng libu-libong katao sa white sand area ng Manila […]