• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Iniimbestigahan sa presinto patay

PATAY ang isang di pa nakikilalang lalaki nang tangkain nitong barilin ang pulis na mag-iimbestiga sana sa kanya sa loob ng nag Manila Police District-Police Station 2, kamakalawa ng gabi sa Tondo,Maynila.

 

Inilarawan ng MPD-PS2 ang suspek na nasa edad 30-35, kayumanggi,katamtaman ang pangangatawan at may mga tattoo sa katawan, paa at braso.

 

Bago ang insidente,dinala umano sa nabanggit na himpilan ng pulisya ang suspek dakong alas 8:50 ng gabi matapos na mahuli sa Chacon St.,dahil sa paglabag sa RA9165 kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act.

 

Ayon kay Cpl. Jomar Caligaran, dakong alas-9:15 ng gabi,nang maganap ang insidente sa loob ng opisina ng SDEU sa Station 2.

 

Ayon sa report ng pulisya, binitbit ang suspek ,bandang 8:50 ng gabi sa Chacon St.,Tondo dahil sa kasong paglabag sa Section 11 ng R.A. 9165.

 

Habang pinoproseso ang dokumento sa pagkakakilanlan sa suspek sa loob ng opisina ng SDEU ,nang bumunot umano ito ng baril na nakasuksok sa kanyang brief,at binaril si Caligaran .

 

Masuwerteng nagmintis kaya nagpambuno ang dalawa hanggang mabaril sa mukha ang suspek.

 

Isinugod naman sa Mary Johnston Hospital ang suspek may ilang metro lang ang layo sa presinto,subalit idineklara itong dead on arivalì.

 

Isasailalim naman sa masusing imbestigasyon si Caligaran sa tanggapan ng MPD- homicide section kung may katotohanan ang salaysay nito.

 

Hinihintay pa rin ang resulta ng awtopsiya ng biktima na nasa Cruz Funeral para sa safekeeping. (Gene Adsuara)

Other News
  • Parking problem

    PARKING ang isang malaking problema sa Metro Manila. Dulot na rin ito ng dami ng sasakyan at ang kawalan ng sapat na mapaparadahan. Kaya naman problema ang epekto nito sa ating mga kababayan.   Kaya para lang siguro masolusyunan kahit papano ang ‘parking problem’ – nauso ang tinatawag na “one-side parking” sa mga lansangan kung […]

  • Kahit bad trip, ‘di malilimutan ang muling pagbisita: MICHAEL V, idinaan na lang sa biro ang pagkakaroon uli ng Covid-19

    NAGBIRO pa si Michael V. sa Instagram post niya na “ROUND 2… FIGHT!”     “Nakatanggap ako ng notification from my old friend, Covid. Matagal na kaming hindi nagkikita. Actually sinabihan ko na s’ya na ‘wag nang bumalik pero eto na naman s’ya… magha-“HI” lang daw at magpapa-alaala na nandito lang s’ya sa tabi-tabi. Hindi […]

  • Magnolia: 3rd STRAIGHT WIN KONTRA NLEX

    Nakuha ng Magnolia Hotshots ang ikatlong sunod na panalo matapos na talunin ang NLEX 119-103 sa PBA Governors’s Cup sa Araneta Coliseum.   Nanguna sa panalo ang import na si Antonio Hester na mayroong 37 points at 15 rebounds habang mayroong 17 points, siyam na rebounds at 12 assists si Jio Jalanon.   Ibinahagi ni […]