Initial rollout sa mga comorbidities na may edad na 12 hanggang 17 sa NCR, kasado na
- Published on October 13, 2021
- by @peoplesbalita
DAHIL ‘steady” ang bakuna sa bansa, magsisimula na sa darating na Biyernes, Oktubre 15 ang initial rollout para sa mga may comorbidities na may edad mula 12 hanggang 17 sa National Capital Region (NCR).
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na magsisimula na ang pamahalaan sa juvenile vaccination.
Magsisimula na rin aniya ang pagbabakuna sa general population.
“So, lahat na po ay puwedeng magpabakuna,” pagtiyak ni Sec. Roque.
Ito aniya ay pagsunod sa naging kautusan ng Pangulo na nakasaad sa IATF resolution No. 141.
Sa ulat, sisimulan na ang pagbabakuna sa mga kabataang 12 hanggang 17 taong gulang na comorbidities laban sa coronavirus disease sa anim na Metro Manila hospitals simula sa Oktubre 15.
Sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na ang anim na ospital na gagamitin para sa pagbabakuna sa mga menor de edad ay ang Philippine Children’s Medical Center, National Children’s Hospital, Philippine Heart Center, Pasig City Children’s Hospital, Fe Del Mundo Medical Center at Philippine General Hospital.
“Ito po ay gagawin nating phased. Uunahin po natin yung 15 to 17 years old. And then ‘yung 12 to 14 years old,” ayon kay Galvez.
Sinabi pa ni Galvez na ang pagbabakuna sa mga kabataan sa nasabing edad ay palalawigin sa kalaunan sa mga piling Metro Manila local government units (LGUs).
“Itong pong mga [LGU] na ito ay ‘yung Manila, Pasig, Taguig, Makati, Quezon City, Mandaluyong. At after 30 days, magkakaroon na po tayo ng rollout sa buong NCR (National Capitla Region) at sa mga areas na meron na po tayong average na more than 50 percent na mga A2 (senior citizens),” ayon kay Galvez.
Sinabi ni Galvez na maglalaan ang pamahalaan ng 60 milyong vaccine doses para sa nationwide vaccination ng 26 hanggang 29 milyong kabataan na may edad na 12 hanggang 17 taong gulang.
Hindi naman nito tinukoy ang bilang ng mga kabataan na makikiisa sa pilot COVID-19 vaccination isa anim na Metro Manila hospitals.
“Ang initial natin sa pilot ay more or less ilang libo lang for the meantime. And then oobserbahan po natin. Once makita natin na walang major adverse effect, itutuloy po natin ‘yun. Gagawin po natin sa mga bata, phased at closely monitored, at saka talagang sequential,” ayon kay Galvez. (Daris Jose)
-
Jake Gyllenhaal’s New Comic Book Movie Role, More Exciting Than Returning As ‘Mysterio’
JAKE Gyllenhaal has a new comic book movie role thanks to Prophet, and it is a more exciting project for him than returning as Mysterio. Gyllenhaal finally made the jump to superhero movies in 2019 by playing Quentin Beck a.k.a. Mysterio in Spider-Man: Far From Home. He turned in an excellent performance as the villain […]
-
Panoorin din ang kanyang festival hopping: Sen. IMEE, ibabahagi ang kanilang ukay-ukay hacks kasama si BORGY
SASALUBUNGIN ni Senator Imee Marcos ang 2023 sa dalawang bagong vlogs sa Enero 6 at 7 na libreng mapapanood sa kanyang opisyal na YouTube channel. Ngayong Biyernes, muling uupo si Sen. Imee sa isa sa pinaka-paborito niyang vlogging partners, ang kanyang anak na si Borgy Manotoc, kung saan magbibigay sila ng helpful tips at […]
-
Brownlee laging maaasahan ng Kings
MALAKI ang naging papel ni import Justin Brownlee sa panalo ng Barangay Ginebra laban sa TNT Tropang Giga sa Game 4 ng PBA Governors’ Cup best-of-seven championship showdown. Naitarak ng Gin Kings ang 106-94 panalo kontra sa Tropang Giga para maitabla ang serye sa 2-2. Sa naturang panalo ay nagpasabog agad […]