‘Injectable shabu’ nasabat, 2 kelot nadakma
- Published on February 21, 2020
- by @peoplesbalita
KALABOSO ang dalawang suspek na nagbebenta ng mga liquid o injectable shabu sa online sa ikinasang drug buy bust operation sa Barangay Highway Hills, Mandaluyong City kahapon (Huwebes, Pebrero 20) ng umaga.
Kinilala ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Special Enforcement Service Director Levi Ortiz ang mga naarestong suspek na sina Mark Kenneth del Rosario San Juan, at Jeffrey Villarin Saclao, kapwa nasa hustong gulang, at mga residente ng Makati City.
Batay sa ulat ng PDEA, alas-12:10 ng hatinggabi, Pebrero 20 nang ikasa ng Team Alpha ang buy-bust operation sa bisinidad ng isang fast food chain sa Guevarra St., Barangay Highway Hills.
Nakabili umano ang undercover agent ng PDEA mula sa mga suspek ng limang piraso ng heringgilya na naglalaman ng liquid shabu at nagkakahalaga ng P10,000 kaya’t agad nang inaresto ang mga ito.
Nakumpiska rin mula sa mga suspek ang isang pirasong plastic sachet ng shabu na may street value na P13,600; 26 pirasong heringgilya na naglalaman ng liquid shabu, na may sukat na 10.4 milliliters at tinatayang may street value na P52,000; at isang pirasong sterile water bottle, digital weighing scale at marked money.
Ayon sa mga awtoridad, modus operandi umano ng mga suspek ang magbenta sa social media ng droga kabilang na ang injectable shabu.
Ipinakikita pa umano ng dalawa sa kanilang mga parokyano kung paano gamitin ang injectable shabu.
Nakapiit na ang mga suspek sa PDEA office at sasampahan ng mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
-
EJ Obiena patuloy sa pamamayagpag sa Europa, wagi na naman
PATULOY sa kanyang pamamayagpag si EJ Obiena sa Europo at sa pagkakataong ito ay panalo na naman siya sa torneyo sa 2022 Golden Fly Series Liechtenstein. Ito ay makaraang mamayani ang dating Pinoy Olympian sa men’s pole vault nang malampasan niya ang 5.71 meters upang talunin ang lima pang mga kalaban. […]
-
Mula sa 17 rehiyon sa Pilipinas, nagsumite na sa DILG ng ‘unvaxxed list’
SINABI ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na 12 mula sa 17 rehiyon sa bansa ang nagsumite ng listahan ng mga indibidwal na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagpapabakuna laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19). Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang data na ito ay naglalayon na […]
-
Proklamasyon ng mga nanalong party-list, sabay-sabay na ipoproklama sa Mayo 25 – Comelec
POSIBLENG sabay-sabay na ipoproklama ng Commission on Elections (Comelec) sa susunod na linggo ang mga nanalong party-list groups. Ayon kay Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco, kapag natapos na raw ang special elections sa Lanao del Sur at kung hindi na makakaapekto sa bilangan ang mga certificate of canvass mula sa Shanghai sa China […]