Insurgency, nananatiling prayoridad ng NICA sa kabila ng paghina ng NPA
- Published on May 4, 2024
- by @peoplesbalita
NANANATILING kabilang sa prayoridad ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ay ang pangangalap ng mahahalagang ‘intelligence’ laban sa mga aktibidad ng mga komunista.
Ito’y sa kabila ng paghina ng terrorist group’s armed wing.
Sa isang panayam sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, araw ng Huwebes, sinabi ni NICA Deputy Director General for Special Concerns Abelardo Villacorta na nagpapatuloy ang communist recruitment activities kung saan target ang mga estudyante at sektor ng kabataan.
Sinabi pa nito na ang ahensiya bilang pinuno ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict’s (NTF-ELCAC) Situational Awareness and Knowledge Management Cluster, nakatuon sa pagmo-monitor sa mga nasabing pagtatangka na akitin ang mga kabataan na mag-armas laban sa pamahalaan.
“There are so many of our youth, the students that are being recruited into the CPP-NPA-NDF at kawawa sila, iyong mga pangarap nila, ambisyon nila ay nasisira (their dreams and their ambitions in life are being destroyed) because they are being deceived to join the movement and become members of the NPA,” ayon kay Villacorta.
Aniya pa, marami ng mga magulang ang nakikipag-ugnayan ngayon sa NICA para tumulong na mabigo ang mga komunista sa kanilang recruitment activities.
“Tumutulong sila sa amin in our situational awareness and knowledge management, at napakalaking tulong nila,” aniya pa rin.
Nauna rito, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief General Romeo Brawner Jr. na ang walang humpay na operasyon ng pwersa ng estado laban sa mga komunista ay naging napaka-epektibo para was akin ang aktibong New People’s Army (NPA) guerrilla fronts.
Base sa pinakabagong impormasyon mula sa military, ang bilang ng guerrilla fronts ng terrorist group ay bumaba na sa 11. (Daris Jose)
-
Ads June 15, 2021
-
Action plan sa pagpapaluwag sa trapiko sa Metro Manila, inilatag
NAGKASUNDO ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang 17 local government units sa Metro Manila, at mga pambansang ahensya na responsable sa pamamahala ng trapiko sa kalakhang lungsod na maisakatuparan ang pagpapatupad ng limang taong action plan para mabawasan ang pagsisikip sa Metro Manila, ang sentro ng ekonomiya at negosyo ng bansa. Sa […]
-
QC LGU, nagpaalala sa mga mamamayan sa lungsod laban sa influenza-like illness o flu virus
NAGPAALALA ang Quezon City Local Government sa mga mamamayan sa lungsod laban sa influenza-like illness o flu virus. Ito ay kasunod ng ginagawang pagbabantay ng Department of Health sa posibleng pagtaas ng mga kaso ng influenza-like illness matapos i-anunsyo ng PAGASA ang pagpasok ng amihan sa bansa. Ayon sa QC LGU, ang […]