• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Interes ng Pilipinas, prioridad, kahit kakatawan din si Pangulong Marcos para sa Asya

TINIYAK  ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bitbit niya ang interes ng Pilipinas, kahit magsisilbi siyang kinatawan ng Asian countries sa pagdalo sa Brussels, Belgium.

 

 

Idaraos kasi doon ang Association of Southeast Asian Nation-European Union (ASEAN-EU) Commemorative Summit mula December 12-14, 2022.

 

 

Ganap na alas-8:00 ng gabi nang tumulak ang pangulo, kasama ang deligasyon ng Pilipinas para sa nasabing event.

 

 

Sa kanyang pre-departure speech sa Villamor Airbase, sinabi ng pangulo na pagkakataon ito para maisulong ang economic interest ng Pilipinas.

 

 

Isusulong din umano niya ang post-pandemic economic recovery, trade, maritime cooperation at climate action.

 

 

Si Pangulong Marcos ay inaasahang magbibigay ng closing remarks sa nasabing business summit.

 

 

Bukod pa sa pagdalo sa ASEAN-EU business summit, mayroon din siyang courtesy call kay King Philippe ng Belgium.

 

 

Magkakaroon naman ng bilateral talks si Pangulong Marcos sa iba pang heads of state kagaya ng Estonia, Czech Republic, Spain, Denmark, Germany, Poland, Finland, the Netherlands at European Union.

 

 

Haharap din siya sa Filipino community, kung saan mahigit sa 5,000 Pinoy workers ang nakabase doon. (Daris Jose)

Other News
  • Gobyerno, target na gawing fully vaccinated ang 77 milyong Pinoy bago sumapit ang eleksyon sa Mayo

    PIPILITIN ng gobyerno na mapagtagumpayan ang target nitong mabakunahan laban sa covid 19 ang 77 milyong adults bago pa sumapit ang pinaka-aabangan na May 9, 2022 elections.     Ang anunsyo na ito ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay matapos na isiwalat ng pamahalaan ang bago nitong target para protektahan ang […]

  • Gobyerno, naglaan ng P62-B para sa mas maraming ‘choppers, offshore vessels

    NAGLAAN ang pamahalaan ng P62 bilyong piso para sa pagbili ng 32 more Polish-made S-70i “Black Hawk” combat utility helicopters para sa Air Force at anim na offshore patrol vessels (OPVs) para sa Philippine Navy.   “Newly approved funding for capital assets acquisition: 32 units ‘Black Hawk’ helicopters- PHP32 billion and six units of OPV […]

  • CINDY, kinikilig nang sobra na masabihang ‘prime actress’ na ng Viva at makasama ang magagaling na artista

    FASTEN your seat belt at I-ready na ang GPS dahil parating na ang Reroute sa Vivamax ngayong January 21, 2022.     Isa na namang sexy-suspense thriller ang masasaksihan sa iba’t-ibang panig ng mundo na pinagbibidahan ng ilan sa mga pinakamahuhusay na mga aktor sa Pilipinas, sa pangunguna ng Venice Film Festival Best Actor na […]