INTERNET VOTING TEST RUN ISASAGAWA
- Published on September 10, 2021
- by @peoplesbalita
MAGSASAGAWA ng inisyal na bahagi ng internet voting test run ngayong weekend ang Commission on Election (Comelec) .
Sa abiso, sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na ang aktibidad ay itinakda magsimula sa Saturday (Sept. 11) ng alas 8 ng umaga (Manila time) at aabot ito hanggang Lunes (Sept. 13) ng alas 8 ng umaga .
Dagdag pa ni Jimenez na ang voting list ay ipapaskil sa official Facebook page ng Office for Overseas Voting (OFOV) kung saan makikita ang last names, first names at middle initial.
Sinabi naman ni Commissioner Rowena Guanzon, commissioner-in-charge para sa overseas voting, na hihilingin nito sa Kongreso na magpasa ng batas sa mobile app voting para sa darating na eleksyon sakaling maging matagumpay ang aktibidad
“If these test runs are efficient, effective, and cost-effective, I will recommend to the commission en banc that we request Congress, the House, and the Senate, to consider passing a law to use mobile app voting in the future. If we are looking at 2025, that is quite possible because that is another three years from now, but I think the budget will be the main consideration,” pahayag ni Guanzon sa virtual briefing.
Aniya sa sandaling magamit na ang sistema sa mga susunod na halalan, makakatulong ito oara makatipid ng pondo ng gobyerno.
Ang internet voting test aypangungunahan naman ng Voatz , isang mobile viting solutions provider .
Magsasagawa rin ng test runs ngayong buwan ang iba pang service providers tulad ng Smartmatic at Indra Sistemas .
Noong Hunyo, nilagdaan ng Comelec ang isang memorandum of agreement sa mga kumpanya ng teknolohiya para sa pagsasagawa ng live test run ng kanilang mga sistema sa pagboto sa internet.
Ang proyekto ay bahagi ng exploratory study ng poll body ng mga teknolohiyang nakabatay sa internet para sa posibleng paggamit sa pagboto sa internet. GENE ADSUARA
-
Pinasilip ang script ng ‘Buybust 2’: ANNE, sa Thailand napiling mag-Holy Week kasama ang mag-ama
SA Thailand napili ng mag-asawang Anne Curtis at Erwann Heussaff na magbakasyon nitong Holy Week. Kasama siyempre ang kanilang anak na si Dahlia na at a very young age ay maituturing ng jetsetter. Sa Phuket, Thailand kunsaan, nasa pool area si Anne, tila ni-reveal na nito ang kanyang pagbabalik pelikula. Habang naka-bakasyon, […]
-
OBRERONG DINAKIP SA PANANAKIT SA KA-LIVE-IN, WANTED
NATUKLASAN may nakabinbin na warrant of arrest para sa kasong robbery at illegal possession of firearms and ammunition sa probinsya ng Pampanga ang isang 24-anyos na construction worker na inaresto dahil sa pananakit sa kanyang live-in partner sa Malabon city. Si Robel Busa ng 4th St. Brgy. Tañong ay nadakip dakong 8 ng gabi […]
-
Posibleng pagba-bahay bahay para sa pagbabakuna ng COVID-19 vaccine
Sa pagdinig pa rin ng Committee on Health sa Kamara, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na exception lamang ito sa mga rules dahil kailangan pa ring sundin ang COVID-19 nationwide implementation na surveillance at monitoring ng adverse effects ng bakuna. Magkagayunman, sinabi ni Duque na isa ang “house to house inoculation” sa […]