• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IOC, nagbanta na parurusahan amg mga atleta na magpoprotesta sa Tokyo Olympics

Nagpaalala ang International Olympic Committee (IOC) sa mga atleta na dadalo sa Tokyo Olympics na huwag magbabalak na lumuhod at magtataas ng kamao bilang suporta sa racial equality.

 

 

Ayon sa IOC na hindi sila magdadalawang isip na parusahan ang mga sinumang atleta na gagawin ang nasabing hakbang.

 

 

Nakasaad kasi sa IOC Rule 50 na pinagbabawal ang anumang uri ng pagsasagawa ng protesta maging political, religious o racial propaganda sa mga lugar at ilang mga Olympic area.

 

 

Dagdag pa ng IOC na ang nasabing rekomendasyon ay base sa isinagawa nilang konsultasyon noong Hunyo 2020 kasama ang mahigit 3,500 na atleta.

 

 

Ilang mga international chief ang hindi sang-ayon dito kung saan ayon kay World Athletics’ President Sebastian Coe na mayroong karapatan ang mga atleta na maglabas ng saloobin.

 

 

Magsisimula ang Olympics sa Hulyo 23.

Other News
  • 2 most wanted sa rape at murder, timbog sa Caloocan at Valenzuela

    INANUNSYO ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr ang pagkakaaresto sa dalawang most wanted persons sa magkahiwalay na manhunt operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela Cities.     Ayon kay Col. Peñones, alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section […]

  • Marathon trivia 2

    ITUTULOY ko ang sinimulan kong kuwento o marathon trivia sa bansa na aking nalaman, ilan ang binahagi pa rin ng aking ama.   Sa mga dekada 80 at 90, sikat na long distance runners o marathoners, hindi pa uso noon ang mga ultrarun o ultramarathon kaya bibihira ang mga matatawag na ultrarunner o ultramarathoner.   […]

  • DOH may tulong sa mga OFW na apektado ng ipinahintong COVID-19 test ng PH Red Cross

    PUMAGITNA na ang Department of Health (DOH) sa hidwaan ng Philippine Red Cross (PRC) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil sa hindi pa raw bayad na mga COVID-19 tests.   Ayon sa kagawaran, habang patuloy ang kanilang pakikipag- ugnayan sa PRC para maayos ang issue, ilang hakbang na rin ang ginawa nila para makatulong […]