“Ironclad” commitment ng US sa Pilipinas sa liderato ni Trump, mananatili
- Published on January 27, 2025
- by Peoples Balita
IKINALUGOD ni Speaker Martin Romualdez ang ginawang paniniguro ng bagong talagang U.S. Secretary of State Marco Rubio na ime-maintain ng United States, sa ilalim ng liderato ni Presidente Donald Trump, ang “ironclad” commitment nito sa Pilipinas.
“Secretary Rubio’s affirmation clearly demonstrates the United States’ enduring commitment to our partnership. This reassurance comes at a crucial time when our shared values and mutual interests face serious challenges in the region,” ani Romualdez.
Napapanahon aniya ang naging pahayag ni Rubio kasunod na rin sa tumataas na tensiyon sa West Philippine Sea, partikular na sa presensiya ng malaking barko ng China Coast Guard malapit sa territorial waters ng Pilipinas.
Sa kabila ng patuloy na tensiyon, iginiit ni Speaker ang pagkakaroon ng diplomasya na siyang pangunahing paraan para maresolba ang usapin sa West Philippine Sea.
Inihayag pa ni Romualdez na sa kabila rin na kinilala nito ang pangangailangan sa isang malakas na alyansa ay mananatili ang pagsunod ng Pilipinas sa pagkakaroon ng isang independent foreign policy.
“Our focus remains on safeguarding our sovereignty and securing the welfare of our people. At the same time, we recognize the importance of working with allies who uphold the rule of law and respect international norms,” giit nito. (Vina de Guzman)
-
Para labanan at tapusin na ang pagkagutom sa 2027… DSWD, tinitingnan ang mas maraming POGO hubs bilang ‘food banks’
SINABI ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nakapulong na niya ang ibang tanggapan ng gobyerno para i- convert ang piling POGO hubs sa food banks, gagamitin ito para sa hangarin ng gobyerno na “tuldukan na ang pagkagutom” sa bansa sa 2027. Sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na ang pagtugon sa pagkagutom […]
-
Administrasyong PBBM, maglulunsad ng media at information literacy campaign
MAGLULUNSAD ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng media at information literacy campaign habang ang Pilipinas ay pinuputakti ng “disinformation at misinformation.” Sa idinaos na 14th edition ng International Conference of Information Commissioners, ipinagmalaki ng Pangulo ang Freedom of Information (FOI) program. “We also have to highlight that the FOI […]
-
Austria patok kay Cone sa Coach of the Year
GIRIAN sina Leovino Austria at Earl Timothy Cone para sa 2019 Virgilio ‘Baby’ Dalupan Coach of the Year award sa 26th Annual Awards Night ng PBA Press Corps 2020 sa Marso 16 sa Novotel Manila sa Araneta Center, Quezon City. May tigatlong CotY award na sina Cone noong 1994, ’96, 2014, at Austria (2015, […]