Irving at Young napiling maglaro sa All-Star Game
- Published on February 13, 2025
- by Peoples Balita
NAPILI sina Trae Young ng Atlant Hawks at Kyrie Irving ng Dallas Mavericks para pumalit kay Giannis Antetokounmpo at Anthony Davis sa NBA All-Star Game.
Sina Davis at Antetokounmpo kasi ay nagtamo ng injury kaya hindi sila makakapaglaro ng ilang linggo.
Napiling line-up si Young sa ‘Team Chuck’ ni Charles Barkley habang si Irving ay papalitan niya si Davis sa “Team Shaq” ni Shaquielle O’Neal.
Ito na ang pang-apat na All-Star Game ni Young kung saan may average ito na 23.5 points at 11.4 assists kada laro.
Habang si Irving ay mayroong average na 24.1 points kada laro.
Gaganapin ang All-Star Games sa Chase Center sa San Francisco ngayong Pebrero 16.
-
Pamilyang nagsabing sila ay mahirap bumaba – OCTA
BUMABA ang bilang ng mga Pilipino na nakaranas ng gutom at kahirapan sa unang quarter ng 2024. Sa pinakahuling OCTA Research survey, lumalabas na 42 percent o 11.1 milyong pamilya sa bansa ang itinuturing na mahirap. Mas mababa ito sa 45% o katumbas ng 11.9 milyong Pinoy na nagsabing sila ay […]
-
Ads July 12, 2023
-
VP Sara: Paggamit ng mga walang kredibilidad na testigo, itigil na
HINIMOK ni Vice President Sara Duterte ang mga mambabatas na itigil na ang paggamit ng mga walang kredibilidad at kuwestiyonableng testigo upang sirain siya. Tinukoy pa ni Duterte si Gloria Mercado na dating DepEd undersecretary na ngayon aniya ay bahagi na ng political machinery laban sa kanya. Ayon sa bise presidente, […]