Irving, first time nakalaro na rin sa practice ng Brooklyn Nets
- Published on October 13, 2021
- by @peoplesbalita
Kinumpirma ng Brooklyn Nets na nakabalik na rin ngayong araw sa training camp ng koponan ang kanilang superstar point guard na si Kyrie Irving.
Una rito,inabot na rin ng apat na practice sessions na hindi pa nakakasali si Irving at isang pre-season games dahil sa isyu pa rin ng hindi nito pagpapabakuna
Aminado naman ang kanilang head coach na si Steve Nash, aasahan na raw nila na hindi rin makakasama sa mga home games si Irving.
Sa ngayon hindi pa nila sigurado kung ilang beses at kelan ito hindi maglalaro.
Kinumpirma rin ni Nash na hindi pa rin makakalaro bukas si Irving sa Philadelphia kung saan makakaharap ng Nets ang 76ers bilang bahagi ng preseason game.
Sa Huwebes ang huling preseason ng Nets sa kanilang home game laban sa Minnesota Timberwolves.
Kung hindi pa rin makakapagbakuna si Irving hindi na rin ito makakapaglaro kahit isang beses sa isang exhibition game.
Sa October 19 na ang muling pagbubukas ng bagong NBA season.
-
APPLE ORIGINAL FILMS UNVEILS NEW FEATURETTE, “CHARACTER CHRONICLES: LEONARDO DICAPRIO AS ERNEST BURKHART”, FOR MARTIN SCORSESE’S HIGHLY ANTICIPATED “KILLERS OF THE FLOWER MOON”
APPLE Original Films has unveiled a new featurette, “Character Chronicles: Leonardo DiCaprio as Ernest Burkhart”, for Martin Scorsese’s highly anticipated “Killers of the Flower Moon.” Starring DiCaprio, Robert De Niro and Lily Gladstone, “Killers of the Flower Moon” will premiere in theaters around the world, including IMAX® theaters, on October 18. Challenged and motivated by the […]
-
SMC susunod sa patakaran ng TRB sa 3-strike policy sa mga RFID lanes
Susunod ang San Miguel Corporation (SMC) sa patakaran ng Toll Regulatory Board (TRB) na magpatupad ng “three-strike” policy para sa mga motoristang gumagamit ng electronic payment collection lanes kahit na kulang na ang load credits. “Our system is capable of monitoring repeat offenders,” wika ni SMC president at chief operating officer Ramon Ang. […]
-
Saso papalo sa LPGA ‘JT’
IPAGPAPATULOY ni Yuka Saso ang pagkampanya sa 53rd Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2020-21, hahambalos sa ¥80M (₱35.7M) 9th Axa Ladies Golf Tournament in Miyazaki 2021 sa UMK Country Club sa Miyazaki Prefecture, Japan sa Marso 26-28. Magsisilbi ang tatlong araw na torneo para sa 19-anyos na Pinay-Japanese na ipinagmamalaki […]