• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Isa na ring young style icon: KENDRA, certified Instagram millionaire na

CERTIFIED Instagram millionaire na ang panganay nina Doug Kramer at Chesca Garcia-Kramer na si Kendra Kramer dahil umabot na sa one million ang followers sa naturang photo-video sharing app.

 

 

 

Hindi nakapagtataka kung umabot sa isang milyon ang followers ni Kendra dahil sumikat ito sa mga nagawang TV commercials noong bata pa siya. Ngayon sa edad na 14, hindi lang mga kaedad niya ang kanyang followers, kundi pati na mga celebrities na humahanga sa ganda nito.

 

 

 

“Thanks a million! Now I just need to figure out how to fit all of you in one selfie! I’m grateful for each and every one of you my insta-fam!” caption ni Kendra sa pinost na photo bilang pasasalamat niya sa kanyang isang milyong followers.

 

 

 

Kasalukuyang nasa Italy ang Team Kramer at muling pinakita ni Kendra ang kanyang pagiging effortless na fashionista. Pinusuan ng marami ang mga pinost niyang photos sa Rome, Firenze at Lake Como.

 

 

 

Dahil isang young style icon na si Kendra, ilang netizens ang nagtatanong kunsaan nabibili ang mga sinuot nitong mga damit sa Europe dahil obsessed sila sa bonggang taste in fashion nito.

 

 

 

***

 

 

NAG-CELEBRATE ng kanyang 40 years sa showbiz industry si Pinky Amador na mas kilala na ngayon bilang ang kontrabida na si Moira sa GMA Afternoon Prime series na ‘Abot-Kamay Na Pangarap’.

 

 

 

Happy ang 57-year old actress sa naging journey ng kanyang career sa showbiz. Mula sa pagiging isang award-winning theater actress sa Repertory Philippines, na-penetrate ni Pinky ang paggawa ng pelikula at TV series.

 

 

 

“This year 2023 is my 40th in the business. Ang tanda ko na. I don’t know if I’m going to have a proper concert to celebrate my anniversary yet. Maybe next year, but you’ll never know. We’ll see. We still don’t know yet how things will pan out. My celebration will be delayed, but for sure, you’ll all know about it,” sey ni Pinky.

 

 

 

Sa Viva Films unang lumabas si Pinky sa 1986 komiks-drama na ‘Magdusa Ka!’ kunsaan gumanap siyang kontrabida ni Dina Bonnevie. Mga sumunod na mga pelikula niya ay kung hindi drama ay comedy naman tulad ng ‘Balweg’, ‘Anak Ng Lupa’, ‘Alabang Girls’, ‘Kabilin-bilinan Ni Lola’, ‘Cuadro de Jack’, ‘Sana Pag-ibig Na’, ‘Nagbibinata’, ‘Sa Huling Paghihintay’ at iba pa.

 

 

 

Kabilang din si Pinky sa original London cast ng ‘Miss Saigon’ noong 1989 kunsaan nakasama niya sina Lea Salonga, Monique Wilson, Isay Alvarez, Jenine Desiderio, Jon Jon Briones, Robert Sena. Victor Laurel and Junix Inocian.

 

 

 

Marami pa raw gustong gampanan na roles si Pinky: “I’d like to do strong women who fight against odds. Women of my age, women of a corporate background like lawyers, doctors. I’d like to do women of intelligence, women who are empowered and women who are fighting for something. Something that’s epic in proportions.”

 

 

 

***

 

 

 

NAGLUKSA ang Hollywood sa pagpanaw ng aktor na si Alan Arkin sa edad na 89.

 

 

 

Kilala si Arkin sa pagganap niya bilang mapagmahal na lolo sa 2006 film na Little Miss Sunshine kunsaan nanalo siya ng Oscar for best supporting actor.

 

 

 

“Our father was a uniquely talented force of nature, both as an artist and a man. A loving husband, father, grand and great grandfather, he was adored and will be deeply missed,” ayon sa official statement ng pamilya ni Arkin.

 

 

 

Born March 26, 1934, in Brooklyn, New York, naging member siya ng comedy group na Second City hanggang sa mapasok niya ang paglabas sa Broadway kunsaan nanalo siya ng Tony Award for Enter Laughing in 1963.

 

 

 

Noong pasukin niya ang paggawa ng pelikula, nakitaan siya ng husay sa mga roles niya in The Russians Are Coming, the Russians Are Coming, Wait Until Dark, Woman Times Seven, Inspector Clouseau, The Heart Is a Lonely Hunter, Popi, Catch-22, America’s Sweetheart, Argo, The Santa Clause 3: The Escape Clause, Get Smart, Marley & Me, Going in Style, Dumbo and his final film, Minions: The Rise of Gru in 2022 where he was the voice of Wild Knuc.

 

 

 

In 2005, gumanap siyang father ni Debra Messing sa hit sticom na Will & Grace. In 2018, lumabas siya sa Netflix comedy na The Kominsky Method. Nag-retire na siya for good from acting noong 2022.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Ads January 11, 2024

  • Catholic E-Forum, inilunsad

    BILANG paghahanda sa May 9, 2022 national at local elections, nagsanib-puwersa ang lahat ng Communication platform ng Simbahang Katolika para ihatid sa mga botante ang Catholic E-Forum.     Inilunsad ang Catholic E-Forum kahapon, Pebrero 14,  2022 sa pamamagitan ng “one-on-one interview” sa mga Presidentiables o mga kandidato sa pagka-pangulo, pangalawang pangulo at Senatoriables.   […]

  • Kaya hindi mahirap idirek sa ‘Pulang Araw’: DENNIS, tutok sa character kaya nakagugulat ang pag-atake

    HINDI na raw nahirapan ang GMA resident director na si Dominic Zapata sa pagdirek kay Dennis Trillo sa teleserye na ‘Pulang Araw’ kunsaan gumaganap ang aktor bilang mabagsik na opisyal ng Japanese Imperial Army.       Kilala raw niya si Dennis at ang method nito kapag may role ito na nakaka-challenge sa pagiging aktor […]