• March 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Isa sa kambal na anak ni football star Ronaldo pumanaw

MALUNGKOT na ipinaalam ni Manchester United footballer Cristiano Ronaldo at partner nitong si Georgina Rodriguez ang pagpanaw ng kanilang anak na lalaki.

 

 

Sa kanyang social media account ay inanunsiyo ng 37-anyos na Portugal na si Ronaldo at 28-anyos na si Rodriguez ang nasabing balita.

 

 

Inaasahan kasi nila na kambal ang anak nila ngunit tanging ang babaeng sanggol lamang ang nabuhay habang ang kambal nitong lalaki ay namatay.

 

 

Humingi ang dalawa ng privacy at pagdarasal ang mag-asawa.

 

 

Magugunitang noong Oktubre ng i-anunsiyo ng dalawa ang pagbubuntis nito.

 

 

May anak na si Ronaldo na si Cristiano Jr, na isinilang noong 2010 at may anak din na kambal na sina Eva at Mateo na isinilang noong 2017 sa unang asawa habang may anak ito kay Rodriguez na si Alana Martina na isinilang noong 2017.

Other News
  • Punong Barangay at Treasurer ng Kaligayahan QC sinampahan ng reklamo sa Ombudsman

    SINAMPAHAN ng reklamong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Falsification of Public Document sa tanggapan ng Ombudsman sina Punong Barangay Alfredo ‘Freddy’ Roxas, kabilang ang isang Kagawad nasi Arnel Gabito at Barangay Treasurer Hesiree Santiago ng Barangay Kaligayahan sa Quezon City.     Ayon sa nagsampa ng reklamo na si Arjean Abe, nagtrabaho […]

  • Pagbibigay ng financial assistance sa mga balo, ipinanukala

    Inihain ni CIBAC Party-List Rep. Bro Eddie Villanueva ang House Bill 7795 o “Widower and Widow Financial Assistance Act” na naglalayong maglaan ng financial at counseling assistance sa mahihirap na biyudo o biyuda upang matulungan silang mabawasan man lang ang hirap at pasakit dala nang pagkawala ng isang mahal sa buhay na nagtataguyod sa pamilya. […]

  • Mapayapa, violence-free polls sa May 9 national at local elections

    MULING ipinangako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa taumbayan ang mapayapa at malinis na halalan sa ilalim ng kanyang administrasyon.     “Again, it is my commitment to the nation that the elections will be peaceful and free from violence, intimidation of voters. ‘Wag ninyo gawin iyan  because I would still be here to oversee […]