Isang karangalan na naman para sa bansa: JUDY ANN, tinanghal na Best Actress sa 45th Fantasporto International Film Festival
- Published on March 12, 2025
- by Peoples Balita
ISANG karangalan ang muling natamo ni Judy Ann Santos para sa bansang Pilipinas.
Si Judy Ann ang tinanghal na Best Actress sa katatapos lamang na 45th Fantasporto International Film Festival na ginanap sa Porto sa bansang Portugal.
Ang karangalang napanalunan ng aktres ay para sa mahusay niyang pagganap bilang si Monet sa pelikulang “Espantaho”.
Dumalo si Judy Ann sa naturang international film festival kasama ang mister niyang si Ryan Agoncillo.
At sa video ni Ralph Mercado na road manager ng aktres ay nakunan ang mismong pag-a-announce sa pangalan ni Judy Ann bilang Best Actress.
Kitang-kita sa video ang pagkagulat at pagkatuwa ni Judy Ann na siya ang nagwagi, at bago siya umakyat sa entablado ay hinalikan siya sa labi ni Ryan.
Sa kanyang speech ay nagbiro muna si Juday na may excess baggage siya sa kanyang maleta pag-uwi sa Pilipinas dahil mabigat ang tropeyo ng Fantasporo filmfest.
Pinasalamatan ni Juday ang mga bumubuo ng jury na pumili sa kanya at sinabi niya na masaya siya na i-represent ang bansang Pilipinas sa naturang festival
At siyempre inialay niya ang kanyang acting award kina Ryan at sa mga anak nilang sina Yohan, Lucho at Luna at sa direktor ng Espantaho na si Chito Roño, sa screenwriter ng pelikula na si Chris Martinez at sa co-producer ni Judy Ann (ng Purple Bunny Productions) sa pelikula, si Atty. Joji Alonso ng Quantum Films at sa buong team ng Espantaho.
Nanalo ring pinakamahusay na aktres si Judy Ann nitong December 27 sa 50th Metro Manila Film Festival kung saan isa sa mga official entries ang ‘Espantaho.’
Ginanap ang MMFF Awards night sa Solaire Resort & Casino sa Parañaque.
Samantala, noong taong 2019 ay nagwagi ring Best Actress si Judy Ann sa prestihiyosong 41st Cairo International Film Festival para sa pelikulang ‘Mindanao.’
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Ads February 11, 2022
-
Patuloy na naire- record na karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa, dapat tingan sa positibong perspektibo – WHO
NANINIWALA ang World Health Organization na hindi dapat na ikahina ng kalooban ang patuloy na naiuulat na pagdami ng kaso ng COVID sa bansa. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ito ang inihayag ni WHO representative to the Philippines Dr Rabindra Abeyasinghe gayung indikasyon aniya ito sa pagtaas ng actual COVID testing na […]
-
DILG, hinikayat ang LGUs na maghigpit sa pag-iisyu ng PWD IDs
Hinikayat ni Interior Secretary Eduardo Año ang lokal na pamahalaan na mas maging mahigpit sa pagpapatupad ng pag-iisyu ng identification cards para sa persons with disabilities. “Maganda ang intensyon ng batas pero mayroong mga taong gustong abusuhin ang pribilehiyong ibinibigay sa mga tunay na PWDs. LGUs should, therefore, be wary of such individuals who […]