• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Isang kongresista, sinopla ni Sec. Roque

“Guni-guni lang po ‘yan.”

 

Ganito kung ilarawan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang naging obserbasyon ng isang mambabatas na ang sinasabing “new variant” ng illegal pork barrel fund ay kasama sa panukalang P5.024-trillion budget para sa 2022 ng pamahalaan.

 

Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay tugon sa natuklasan ni Gabriela partylist representative Arlene Brosas na may P10 bilyong piso ang nakalaan sa isang item na tinatawag nitong Growth Equity Fund (GEF) sa ilalim ng Local Government Support Fund na maaaring gamitin sa halalan sa susunod na eleksyon.

 

Sinabi ni Brosas na ang alokasyon ay bumagsak sa juridical definition ng pork barrel o discretionary funds ng lehislatura na idineklara naman ng Korte Suprema bilang illegal.

 

Ayon naman kay Sec. Roque, ang Internal Revenue Allotment (IRA) sa panukalang 2022 budget ay mas mataas ng 37% dahil babalikatin ng local government units (LGUs) ang gastusin na inilatag ng departments of Social Welfare and Development (DSWD), Agriculture (DA), at Health (DOH).

 

Ang paliwanag pa ni Sec. Roque, ang equity fund ay ipalalabas sa 4th, 5th, at 6th class municipalities dahil hindi nito kayang pasanin o balikatin ang gastos para sa mga serbisyo ng nasabing ahensiya.

 

“Miski gawin mong 37 percent more ang kanilang budget, hindi po sapat para sagutin ang gastos dati ng DA, DOH, at DSWD. Diyan po papasok ang equity fund,” anito.

 

Sa kabilang dako, inaasahan naman ng Malakanyang ang gobyerno at LGUs na makaiisip ng kanilang devolution plan kasunod ng pagtaas ng IRA.

 

Noong nakaraang buwan, sinabi ng Malakanyang na ang panukalang 2022 budget ay itinuturing na “biggest budget” na ipinanukala ng Executive Branch sa Kongreso.

 

Gaya ng sinabi ng DBM, ang 2022 NEP ay maingat na nilikha para magbigay ng kaukulang funding requirements para suportahan ang katatagan ng bansa laban sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic, para mapanatili ang trajectory ng economic growth, at ipagpatuloy ang legacy ng infrastructure development.

 

Ang ilang “key items”sa panukalang 2022 budget ay ang sumusunod:

P45.4 billion para sa COVID-19 booster shots ng 93.798 million fully vaccinated Filipinos

 

P983 million para sa pagtatatag ng Virology Science and Technology Institute of the Philippines

 

P140 million para sa biosurveillance at immune-biosurveillance ng COVID-19 variants sa ilalim ng Genomic Information and Resource Hub. (Daris Jose)

Other News
  • PDu30, tatalakayin sa kanyang successor ang problema ukol sa illegal na droga sa bansa

    MAGDARAOS ng isang pulong o miting si Pangulong  Rodrigo Roa Duterte sa kanyang  successor para pag-usapan ang  drug menace na patuloy na malaganap sa bansa.     Sa kanyang  Talk to the People, araw ng Martes, sinabi ng Pangulo na hihilingin niya sa susunod na Pangulo ng bansa na ipagpatuloy ang kanyang  anti-narcotics drive dahil […]

  • MM Mayors, handa na para sa pagsisimula ng A4 vaccination

    HANDA na ang Metro Manila mayors para sa pagsisimula ng A4 vaccination.   Sa katunayan ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos Jr., sa virtual press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sinisimot na ng Local Government Units (LGUs) ang pagbabakuna sa A1 hanggang A3 group.   “Well, yes, handa na […]

  • Kapasidad ng mga ospital na maka- accomodate ng mga COVID patients, patuloy na tumataas habang pababa ang naitatalang tinatamaan ng virus – Malakanyang

    TINIYAK ng Malakanyang na marami pang hospital bed  ang maaaring gamitin sa mga kinakapitan ng COVID -19.   Sinabi  ni Presidential Spokesperson Harry Roque na maayos sa kabuuan ang bed capacity na inihanda ng pamahalaan para sa mga COVID patients.   Aniya, nasa 59% pa ang bakante para sa mga nangangailangang dalhin sa ICU habang 62% […]