Isang malaking tagumpay ang ‘Miss Manila 2023’: Pambato ng Malate na si GABRIELLE, nasungkit ang korona
- Published on July 3, 2023
- by @peoplesbalita
Ang mga hosts ng prestihiyosong beauty pageant ay sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Kapuso/Sparkle male artist Rayver Cruz.
Ang mga bumuo naman sa panel of judges ay sina
Crystal Jacinto (CEO, EW Villa Medica Manila);
Dr. Gwen Pang (Secretary General of the Philippine Red Cross); Joy Marcelo (Vice-President of Sparkle GMA Artist Center); Ladylyn Riva-Tieng (beauty queen, entrepreneur and philanthropist); Rhiza Pascua (President of Live Nation Philippines) at
Gloria Diaz (Miss Universe 1969) na siya ring chairman ng board of judges.
Hinirang na winners ang mga sumusunod…
2nd Runner Up – Francine Tajanlangit (Roxas Boulevard)
1st Runner Up – Karen Nicole Piccio, (Pureza Sta. Mesa)
Miss Manila Charity – Anna Carres de Mesa (Sta. Mesa)
Miss Manila Tourism – Angela Okol (Paco)
MISS MANILA 2023 – Gabrielle Lantzer (Malate)
Nanalo rin si Gabrielle ng tatlong special awards; ang Miss EW Villa Medica Manila, Best in Swimsuit at Best in Evening Gown.
Bilang Miss Manila ay nag-uwi si Gabrielle ng isang milyong pisong cash prize, korona na yari sa diamonds, sapphires at Pearl of the Orient na gawa ng Arca Bespoke Jewelry, two hundred fifty thousand pesos worth of services mula sa EW Villa Medica Manila at roundtrip business class ticket to any international destination of her choice mula sa Philippine Airlines.
Si Angela naman, bilang Miss Manila Tourism ay nanalo ng roundtrip ticket to any local destination of her choice (mula sa PAL) at isandaang libong piso.
Si Anna naman, bilang Miss Manila Charity ay nanalo ng roundtrip ticket to any local destination of her choice (mula sa PAL) at one hundred thousand pesos cash.
Si Angela ay hinirang rin na Fans Choice Award samantalang si Anna ay napili rin bilang Miss Photogenic by San Miguel Corporation.
Ang iba pang special awardees ay sina Hanna Cruz (Sampaloc) bilang Miss Philippines Airlines at Rethy Rosa (Maceda Sampaloc) bilang Miss Riverpark Centralis.
Ang mga runners-up ay nagwagi ng roundtrip ticket to any local destination (mula sa PAL) at fifty thousand pesos cash.
Performers sa gabi ng beauty pageant sina Angeline Quinto na inawit ang theme song ng Miss Manila, ang violinist na si Joseph Brian Cimafranca, ang rapper na si Kritiko at ang boy group na Yes My Love O YML.
Ang Miss Manila 2023 ay handog ng City of Manila sa pangunguna ni Mayor Honey Lacuna-Pangan, Department of Tourism, Culture and the Arts of Manila sa pangunguna ni Tourism Director Charlie Dungo, KreativDen Entertainment (headed by Kate Valenzuela) at co-presented naman ng Philippine Chinese Chambers of Commerce and Industry at ng San Miguel Corporation.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Laguesma, Ople, Balisacan kasama sa gabinete ni Marcos Jr.
TINANGGAP ng tatlong indibidwal ang alok sa kanila na maging bahagi ng incoming Cabinet ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sinabi ni Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos Jr., na tinanggap ni dating Labor secretary Bienvenido “Benny” Laguesma ang alok na pamunuan ang Department of Labor and Employment (DOLE) at overseas Filipino […]
-
Napatunayang maling-mali ang mga balita… JESS, hangang-hanga sa husay at kabaitan nina DINA, PINKY at CARMINA
SA pagtatapos sa Sabado ng ‘Abot Kamay Na Pangarap’ sa ere, tinanong namin kay Jess Martinez, isa sa mga cast members ng serye bilang si Diwata, kung kumusta ang naging journey niya sa naturang GMA teleserye. Lahad niya, “Yung expectations ko kasi before is parang it’s gonna go well lang, kasi nga I’m with […]
-
JOHN, tinatawag na bilang ‘National Actor of the Philippines’ dahil sa Volpi Award for Best Actor
SI John Arcilla ang ginawaran ng GEMS Hiyas ng Sining ng highest award bilang actor sa 6th GEMS Awards. Last Monday ay inilabas na ng GEMS ang mga winners para sa kanilang taunang parangal. Dahil sa panalo ni John ng Volpi Award for Best Actor sa Venice International Film Festival kaya sa […]