Isang milyong order na Sinovac ng gobyerno, parating na din ngayong buwan – Malakanyang
- Published on March 5, 2021
- by @peoplesbalita
INAASAHANG paparating na rin ngayong buwan ang isang milyong bakuna pa ng Sinovac na babayaran na ng gobyerno.
Ito ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa harap ng aniya’y tuluy tuloy nang pagdating ng bakuna kontra COVID 19 sa bansa.
Aniya, sa unang naging plano ay 50,000 ang inaasahan sana nitong nakalipas na Pebrero at 950,000 naman ngayong Marso.
“Tuluy-tuloy na po iyan dahil may inaasahan po tayong isang milyon galing po sa Sinovac, ito na po iyong bibilhin natin. Ang ginagamit natin ay iyong donated lamang ‘no. Pero kung matatandaan ninyo, February, talagang magdi-deliver sila ng 50,000 at pagdating po ng Marso magdi-deliver sila ng 950,” anito
Maliban aniya ito sa 600,000 na Sinovac na donated ng pamahalaang China na ginagamit na sa kasalukuyan sa mga health workers.
Sinabi nito, mamaya ay paparating naman ang 4787, 200 doses ng mga bakuna na Astrazeneca galing ng COVAX Facility habang pagdating ng Abril ay dito na sisipa ang pagbuhos ng bakuna na nabili ng gobyerno.
” Opo, iyong COVAX Facility ay inaasahan po natin na mayroon pa tayong 500,000 plus so sigurado po iyan darating ng Marso. So sa tingin ko po hindi na maaantala ito at pagdating po ng Abril eh diyan naman po sisipa iyong marami rin nating nabili rin ‘no. At kaya nga po kampante po ang gobyerno na tuluy-tuloy na po ito at sa lalong mabilis na panahon sana matapos po natin ang mga health workers, 3.4 million po iyan. Pagkatapos po sana ay mayroon na tayong makuha para sa mga seniors dahil iyon na po ang ating susunod na target ng ating vaccination,” lahad nito.
-
Esperon, malamig sa panukalang batas ni Drilon na magbibigay depinisyon sa red-tagging
MALAMIG si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. sa isang panukalang batas na inihain ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na magbibigay depinisyon o pakahulugan sa ‘red-tagging’ at magtatakda dito bilang isang criminal activity. Ani Esperon, kailangan muna niyang makita ang kopya ng Senate Bill No. 2121 o “Act Defining and Penalizing Red-Tagging” , […]
-
Campaign period, sinimulan sa proclamation rally
OPISYAL nang nagsimula ang bakbakan ng anim na indibidwal na tumatakbo sa national positions sa halalan. Sa gitna ng pandemyang dulot ng COVID-19, kanya-kanya nang paandar sa kani-kanilang proclamation rally bilang bahagi ng opisyal na pagsisimula ng campaign period ang anim na presidentiables. Sa katunayan, sa unang araw ng pangangampanya, kanya-kanyang […]
-
DOLE pinaalalahanan ang mga first-timer jobseeker na samantalahin ang mga libreng pagkuha ng pre-employment documents
NAGPAALALA ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga first-time jobseekers na samantalahin ang libreng pagkuha ng mga pre-employment documents. Ayon sa DOLE na hindi na dapat maging sagabal ang kawalan ng budget para sa mga bagong graduate para makakuha ng mga kinakailangang dokumento. Kinabibilangan ito ng mga birth and […]