• January 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ISANG OFFSHORE GAMING, TINANGGALAN NG LISENSYA NG PAGCOR

DAHIL sa maling pamamalakad sa offshore gaming sites, tinanggalan ng provisional accreditation ang isang offshore gaming hub, ayon sa Philippine Gaming Corporation o PAGCOR.

 

 

Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco ang Sun Valley Clark sa Freeport Zone Pampanga ay hindi na mabibigyan ng accreditation dahil sa kabiguan nitong masiguro ang tamang pamamalakad ng mga offshore gaming sites nito.

 

 

Muli namang binalaan ni Tengco ang mga offshore gaming operator na lisensyado ng PAGCOR na iwasan ang anumang pagkakasangkot sa anumang criminal activities kung gusto ng mga itong mapanatili ang kanilang mga lisensya.

 

 

Binalaan din ng PAGCOR ang mga foreign  nationals kung saan pinag-iingat ang mga ito sa pagtanggap ng nakakasilaw na job offers sa bansa na ginagamit ng mga manloloko para sa human trafficking.

 

 

Ayon kay Tengco,  patuloy ang ginagawa ng koordinasyon ng PAGCOR sa mga partner government agencies nito para labanan ang mga ilegal na aktibidad na may kaugnayan sa offshore gaming operations. GENE  ADSUARA

Other News
  • Iglesia ni Cristo (INC), opisyal na inendorso ang BBM-Sara tandem

    OPISYAL na ng Iglesia ni Cristo (INC) ang tambalan nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential bet Sara Duterte-Carpio para sa 2022 national elections.     Inanunsiyo Martes, Mayo 3 ng INC ang kanilang susuportahang kandidato para sa dalawang mataas na posisyon sa gobyerno apat na araw bago ang nakatakdang pagtatapos ng […]

  • Cornejo, Lee guilty sa ‘illegal detention for ransom’ vs Vhong Navarro — korte

    HINATULANG  “guilty beyond reasonable doubt” sina Deniece Cornejo, Cedric Lee at dalawang iba pa kaugnay ng kasong serious illegal detention for ransom na inihain ng TV host-actor na si Vhong Navarro.     Reclusión perpetua ang ibinabang hatol ng Taguig Regional Trial Court (RTC) Branch 153 sa nangyaring promulgation ngayong Huwebes ng umaga, ayon sa […]

  • Pagkumpiska ng driver’s license sa Metro Manila, suspendido muna

    PANSAMANTALA munang suspendido ang pagkumpiska ng driver’s license sa National Capital Region (NCR) habang binubuo pa ang ipinapanukalang single ticketing system sa rehiyon.     Ito umano ang napagkasunduan ng 17 mayors ng Metro Manila kasunod na rin ng kahilingan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. na […]