Isang saludo sa Fineguard mask
- Published on January 23, 2021
- by @peoplesbalita
ILALARGA ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang Fineguard Sport National Half-Marathon Virtual Challenge upang mabigyan ng aktibidad ang komunidad na patuloy na nalilimitahan sa mga galaw dahil sa Covid-19.
Patuloy na bawal ang mga aktibidad na nagtitipon sa maramihang tao at hindi pa posible ang malalaking running event dahil sa pandemya. Kaya isasagawa ng asosasyon ang 21 kilometrong takbuhan gamit ang kanilang mga pansariling pagtatala.
“The PATAFA came up with this idea, through the influence and lead of our mother international federation, the World Athletics,” wika kamakalawa ni PATAFA president Philip Ella Juico.
Batid ng PATAFA na maaari pa ring masiyahan ang mga mananakbo sa pakinabang ng karera sa pamamagitan ng pagkonekta sa kanila ng teknolohiya at pagbibigay insentibo sa ilang uri ng kompetisyon.
Makakatulong ng PATAFA rito ang Fineguard sport mask na kaparehong tatak na ginamit ni pole vaulter Ernest John Obiena sa regular Italy training camp para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inatras lang ngHulyo 2021.
Ito din ang sport performance mask na opisyal na gamit ng ng Philippine Athletics Team. Inaasahang makakasama rin ang Fineguard mask sa paparating na training bubble ng pambansang koponan sa New Clark Sports Complex sa Capas, Tarlac.
Sinasaluduhan ng OD ang face mask na ito na tumulong sa PATAFA para makapagdaos ng Online 21K roadrace. Mabuhay po kayo riyan. (REC)
-
Ads February 6, 2024
-
Pagcor, umamin na ‘big challenge’ ang kumbinsihin ang foreign investors
INAMIN ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) Chairman Alejandro Tengco na isang malaking hamon ang kumbinsihin ang mga foreign investors na ang pagba-ban sa natitirang legal Philippine offshore gaming operators (POGOs) ay may kabutihang dulot sa bansa. “Iyan po ang magiging malaking hamon sa amin para makumbinse sila na talagang ito’y ginagawa para sa […]
-
Estudyante, 1 pa kulong sa 560 grams marijuana sa Caloocan
SHOOT sa selda ang dalawang hinihinalang drug personalities na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P67K halaga ng droga sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na si alyas “Ivan”, 26, stock man at alyas “Desiree”, 20, grade […]