Isang tao lang ang papayagang lumabas kada pamilya kapag nagsimula na ang two-week ECQ sa MM- Padilla
- Published on August 4, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ni National Task Force against COVID-19 Spokesperson Restituto Padilla Jr. na isang tao lamang sa kada pamilya ang papayagan na lumabas ng bahay para bumili ng pagkain at iba pang pangangailangan sa oras na magsimula na ang two-week Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Ito’y habang hinihintay pa ang guidelines na gagamitin sa paparating na two-week ECQ na magsisimula sa Agosto 6 hanggang 20, 2021.
“Simula ng ECQ, maaaring isa lang ang hahayaang lumabas para makakuha ng pangangailangan sa kanilang mga bahay,” ayon kay Padilla sa Laging Handa public briefing.
“Ang ating hinahangad na limitahan muna ang paggalaw ng ating mga kababayan nang sa ganon ang transmission ng bagong mutation ng COVID-19 ay mapigil,” aniya pa rin.
Nauna rito, ilalagay sa mas mahigpit na ECQ classification ang Metro Manila mula sa Agosto 6 hanggang 20, 2021 dahil sa banta ng Delta coronavirus variant.
Subalit, simula muna sa July 31 hanggang Agosto 5, nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) “subject to heightened and additional restrictions” ang Metro Manila.
“No need for panic buying because we have one week to prepare,” sabi pa ng opisyal.
Tiniyak din ni Roque na makatatanggap ng pinansiyal na ayuda ang mga maaapektuhang manggagawa.
Kaugnay nito, sinabi ni Padilla na ang guidelines hinggil sa cash aid, public transportation, at galaw ng mga tao sa panahon ng two-week lockdown period ay ipalalabas bago pa magsimula ang ECQ.
Sa ilalim ECQ, tanging ang mga essential trips at services lamang ang pinapayagan habang sa ilalim naman ng GCQ “with heightened restrictions” at additional restrictions protocol ay ipinagbabawal naman ang indoor at al fresco dining.
Ang desisyon na magpatupad ng “strictest quarantine mode” ay tugon sa apela ng Metro Manila Council, kinabibilangan ng Metro Manila mayors, nang makipagpulong ito sa inter-agency COVID-19 task force ng pamahalaan para sa pagpapatupad ng “stricter measures” sa rehiyon. (Daris Jose)
-
Money laundering, sex trafficking ng ilang Chinese sa PH, isinalang sa hearing
INUSISA ng mga senador ang ilang opisyal ng Bureau of Customs (BoC), Bureau of Immigration (BI), Anti-Money Laundering Council (AMLC) at iba pa dahil sa isyu ng pagpupuslit ng malaking halaga ng pera ng ilang Chinese. Matatandaang sa privilege speech ni Senate blue ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon, ipinakita nito ang bulto-bultong pera […]
-
Dahil sold out na ang ‘Videoke Hits: OPM Edition’… Birthday concert ni ICE, nagdagdag pa ng isang show sa November 8
ISANG linggo bago matunghayan ang inaabangang birthday concert ni Ice Seguerra, Videoke Hits: OPM Edition, sa Setyembre 13, pero sold out na agad ang tickets! Para sa mga hindi nakabili ng ticket, may chance pa para makisaya dahil nagdagdag pa ng isang show sa Nobyembre 8, 2024, sa Music Museum. Sa […]
-
GAL Gadot’s Video Fuels Speculation That ‘Wonder Woman’ Will Appear in ’The Flash’
WARNER Bros. and DC Films have spent the last several years working on a solo film for Ezra Miller’s Flash. The movie finally made progress when Andy Muschietti signed on to direct Christina Hodson‘s script. The Flash will deal heavily with the concept of the multiverse as it acts as a loose adaptation of Flashpoint. It is […]