• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Isinantabi ang pasaringan: ‘We wish Mayor Isko Moreno good health”- Sec. Roque

“We wish Mayor Isko Moreno good health. We hope that he gets well soon.”

 

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos makarating sa kaalaman na nagpositibo sa Covid-19 ang Alkalde.

 

Si Moreno ay bakunado na ng Sinovac.

 

Ayon kay Sec. Roque, hindi naman talaga sinasabi ng mga eksperto na ang mga bakuna ay garantiya na hindi na magkaka-Covid ang isang bakunado.

 

Ang sinasabi ng mga eksperto, lahat  ng mga bakuna na nasa bansa ay epektibo para maiwasan ang seryosong pagkasakit o pagkakamatay dahil po sa Covid-19.

 

“So, yan pong karanasan ni Mayor ah Yorme ngayon noh? Sa tingin ko naman po precaution iyong kanyang pago-ospital pero sa tingin ko po ay ang mangyayari sa kanya ay siguro po ay moderate ang magiging kaso niya at hindi na po siya magiging critical dahil bakunado na po siya,” pahayag ni Sec. Roque.

 

Nauna rito, sinabi ni Moreno na nakaramdam siya ng kaunting ubo’t sipon at sumakit din ang kaniyang katawan.

 

Agad na sumalang ang alkalde sa pagsusuri kaya’t dito na nalaman na positibo siya sa nasabing virus.

 

Dinala na sa Sta. Ana Hospital si Moreno para matutukan ang kalagayan kung saan magpapatuloy pa rin naman siya sa kaniyang trabaho habang naka-quarantine.

 

Ikinasa na rin ang ilang health protocols katulad ng disinfection sa Office of the Mayor at inaalam na rin kung sinu-sino ang mga nakasalumuhang indibidwal ang alkalde para sa contact tracing.

 

Matatandaan na unang nagpositibo sa COVID-19 si Vice Mayor Honey-Lacuna Pangan isang linggo na ang nakakalipas na kasalukuyang nagpapagalign sa Sta. Ana Hospital. (Daris Jose)

Other News
  • Payo ni VP Sara sa mga aspiranteng mamamahayag: ‘Never assume, don’t lie’

    PINAYUHAN ni Vice President at outgoing Education Secretary Sara Duterte ang mga estudyante na nais na maging journalists o mamamahayag sa hinaharap na huwag mag-ulat ng kahit na anuman na hindi totoo o fake news.     Sa opening ceremony ng National Schools Press Conference (NSPC) sa Carcar City, Cebu, direktang nanawagan si VP Sara […]

  • 2021, ‘golden year of PH sports’ – POC

    Maituturing umano bilang “golden year” sa mundo ng sports ang 2021.     Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, sa taong ito kasi nakamit ng bansa ang makasaysayang “breakthrough” partikular sa Olympic Games.     Nabatid na nasa Tokyo International Forum si Bambol nitong July 26 noong masungkit ni Hidilyn […]

  • Ads November 1, 2024