ISKO AT DR.WILLIE ONG, NAGSANIB PUWERSA
- Published on September 23, 2021
- by @peoplesbalita
IIWAN na ni Mayor Isko Moreno Domagoso ang Maynila at ipagkakatiwala nito ang pamamahala kay Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna- Pangan ang pagiging punong ehekutibo sa lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila.
Ito ang sinabi ni Domagosa kasabay ng ginawa nitong proklmasyon ngayon araw sa kanyang kandidatura sa pagka- Pangulo ng bansa sa darating na 2022 national election.
Ayon kay Isko, kumpiyansa siya na kayang ipagpatuloy ni Vice Mayor Lacuna ang kanyang mga nagawa partikular na ang mabilis na pagtugon sa panahon ng pandemya dulot ng COVID-19.
Aniya, malaki ang naging ambag ni Lacuna, partikular na sa isyu ng pangkalusugan, kung saan mabilis ang responde ng pamahalaang lungsod tulad ng pagbili ng mga kailangang gamot na Remdesivir at Tocilizumab, malawakang pagbabakuna, pagbili ng mga kinakailangang makina, pagpapatayo ng mga pasilidad at ospital.
Si Dr. Willie Ong ang napili naman nitong bilang running mate na napapanahon ngayong nahaharap sa krisis ang buong bansa bunsod ng pandemya.
Kasabay ng pag-anunsyo ng magiging kapalit ni Domagoso bilang alkalde sa Maynila, hindi naman pinangalanan kung sino ang magiging ka-tandem ni Lacuna bilang Vice Mayor nito. Sa kabila ng pahayag ay matunog naman ang pangalan ni Manila 3 rd District Congressman Yul Servo na tatakbong bise alkalde ng lungsod.
Nanindigan namn si Doc willie ong na hindi siya maninira ng kanyang mga kalaban sa pagka ikalawang pangulo ng bansa.
Sa ginawang pag anunsyo bilang running mate ni Isko, sinabi nito na nais niya lang makatulong sa publiko.
Giit nito mag titiis siya sakaling pulitikahin ng kanyang mga makakalaban pero ang kanyang paninindigan ay ang makatulong sa mga may sakit na Pilipino. (Gene Adsuara)
-
‘Tips’ vs cybercrime, ibinahagi ng PNP
Dahil sa dumaraming kaso ng cybercrime kaya muling nagpaalala at nagbigay ng tips ang Philippine National Police (PNP) upang maiwasang mabiktima ng mga ito. “Avoid unsecured Wi-Fi hotspots; set your device so that it doesn’t automatically connect to external sources”. Isa ito sa ibinahaging paalala at tips ng Philippine National Police […]
-
NCR Plus, isinailalim sa GCQ with heightened restrictions simula Mayo 15
INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Huwebes, Mayo 13, 2021 ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ilagay ang National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) na may heightened restrictions mula Mayo 15 hanggang 31, 2021. Isinailalim din sa GCQ status mula […]
-
2 drug suspects huli sa Caloocan drug bust
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng dalawang hinihinalang drug personalities matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City. Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na si alyas “Ert”, 53 at alyas “Mekini”, 20, kapwa residente ng Brgy. 19. Batay sa ulat […]