• May 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Isko at Honey naghanda vs Delta variant

Upang mapigilan ang pagdami at paglawak pa ng mga posibleng dapuan ng COVID-19 Delta variant ng COVID-19 ay puspusan ang ginagawang hakbang at paghahanda nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna para mapigilan ito.

 

 

Ayon sa negosyante at dating konsehal ng Maynila na si Don Ramon Bagatsing, nakita niya ng personal ang sinserong ginagawang hakbang ni Yorme Isko at Vice Mayor Honey upang hindi na kumalat pa ang Delta variant sa mga residente sa lungsod.

 

 

Sinabi ni Bagatsing, lahat ng precautionary mea­sure ay ginagawa ni Yorme at Honey bago pa lang ang pagbabalik ng ECQ sa Metro Manila simula sa Agosto 6 hanggang 20.

 

 

“The anticipated actions of Yorme Isko and Honey Lacuna will ensure that Manila is prepared to slow the spread of the COVID Delta variant. The Luneta field hospital, the free drive-thru covid testing, and having vaccinated almost a million Manileños will keep the delta variant from spreading faster than expected,” pahayag ni Bagatsing.

 

 

Aniya, maraming nagtaka kung bakit pa nagtayo ng field hospital sa Luneta noong nakalipas na buwan noong panahon na bumababa na ang mga kaso ng COVID ngunit ngayon ay nakita na ang pangangailangan hinggil dito.

 

 

Inihayag pa ni Bagatsing na masakit ang lockdown para sa mga residente, negosyo, at ekonomiya, pero kapag maagapan ito ay posibleng wala nang COVID sa Pasko.

 

 

Inihayag pa ni Bagatsing na masakit ang lockdown para sa mga residente, negosyo, at ekonomiya, pero kapag maagapan ito ay posibleng wala nang COVID sa Pasko. (Gene Adsuara)

Other News
  • Constantino at Go fight na fight

    KUNG ang Thailand Ladies Professional Golf Association Qualifying School first round lang ang batayan, hinog na nga si Lois Kaye Go para umakyat sa pro.   Kumakasa silang dalawa ni ICTSI (International Container Tereminal Services, Inc.) 9th Ladies Philippine Golf Tour 2022 three-leg winner Harmie Nicole Constantino sa mga binirang three-under 69 para humanay sa […]

  • MM mayors, patuloy na inihihirit ang GCQ

    PATULOY na inihihirit ng mga Metro Manila Mayors na manatili sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ang kani-kanilang mga nasasakupan. Ito ang sinabi ni National Task Force on COVID 19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez base na rin sa kanilang pakikipag- usap sa mga Mayor dito sa NCR. Base sa inilatag na rekomendasyon ng […]

  • Volleyball star Michelle Gumabao planong magsagawa ng 2 kasal

    NAKATAKDANG magsagawa ng dalawang araw ng kanilang kasal ni volleyball star Michelle Gumabao at nobyong si Aldo Panlilio. Ayon sa kaniya na plano nilang ikasal sa buwan ng Pebrero at sa Marso ngayong taon. Labis siyang nasasabik dahil sa hamon ng paghahanda lalo na at kasabay pa ng volleyball season. Dagdagd pa ng Creamline Coolsmasher star […]