Isko-Sara tandem sa 2022 lumutang
- Published on January 14, 2022
- by @peoplesbalita
UMANI ng negatibong komento sa social media ang lumutang na Isko-Sara tandem sa 2022 election.
Pakiramdam ng kanyang mga taga-suporta “pinagtaksilan” umano sila ni Manila Mayor Isko Moreno dahil tila tinalikuran umano nito ang kanyang running-mate na si Doc Willie Ong.
“Si Yorme nanonolongges na. Hindi na alam kung saan kukuha ng boto,” ayon kay @MarkusMyBoy sa Facebook.
Giit ng netizen na si @Jimmy Condicion: “Kawawa naman ‘yung VP nya. Nakakahiya naman! Mga ipinapakita niyo lalo siyang hindi mananalo. Makakuha lang ng boto, ganyan ang gagawin ni Isko.”
Ang pinalutang na Isko-Sara tandem na utak umano ng campaign strategist ni Isko ay hindi rin nagustuhan ng ilang political leader sa Mindanao kasabay ang paalaala sa milyong supporters ni vice presidential aspirant Davao Mayor Sara Duterte na maging maingat at mapanuri sa gimik ng kampo ni Moreno.
“This is really an annoyingly fantastic idea. I don’t know where they got the audacity to assume that Inday Sara, who has already committed as BBM’s running-mate, will be entertaining this wild fantasy. Well, they can dream on, this is a free country anyway. But this is out of bounds and unacceptable. No one is buying this idea,” ayon sa isang kilalang pulitiko sa Davao region at miyembro ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) na kilala ring malapit sa mga Duterte.
Nitong Setyembre, binanatan ni Isko si Presidente Rodrigo Duterte dahil umano sa kapalpakan nito sa pagresponde sa pandemya.
Pero matapos pormal na umatras sa laban sa pagka-pangulo si PDP-Laban standard-bearer Sen. Bong Go, tila nagbago ng tono si Moreno at inalok ang sarili na i-endorso ng Pangulo.
-
PDu30, masaya sa maingat at mahinahon na muling pagbubukas sa mga eskuwelahan sa MM
IKINATUWA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang maingat na muling pagbubukas ng klase matapos ang 2-taong suspensyon ng face-to-face classes. Ang pagsusuot ng face masks at pag-upo sa desks na may nakalagay na plastic screens, may 2,000 mag-aaral ang nagbalik sa 28 eskuwelahan sa National Capital Region bilang bahagi ng trial ng in-person classes. […]
-
Europe nasa ceasefire muna sa COVID-19
NANINIWALA ang World Health Organization (WHO) na malapit ng manahimik ang Europa laban sa COVID-19. Ito ay dahil sa maraming mga bansa ang nagpatupad ng pagpapaluwag na ng COVID-19 restrictions. Ayon kay WHO Europe Director Hans Kluge na dahil sa mataas na vaccination rates at ang pagtatapos ng winter ganun din […]
-
MIYEMBRO NG “ALVAREZ CARNAPPING GROUP” 1 PA, TIMBOG SA SHABU AT BARIL
ARESTADO ang dalawang umano’y sangkot sa illegal na droga kabilang ang aktibong miyembro ng “Alvarez Carnapping Group” na wanted din sa kasong robbery sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela city. Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Ericson Vistro, 25, ng Meycauayan, Bulacan at Leo […]