ISKO, TATAKBO SA ELEKSIYON
- Published on June 7, 2021
- by @peoplesbalita
NAGPAHAGING si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na tatakbo siya sa darating na 2022 election.
Gayunman, hindi naman binanggit ng alkalde kung anong posisyon ang kanyang lalahukan sa halalan.
Sa kanyang pahayag, sinabi ng alkalde na abala pa ito sa pagka-mayor sa Maynila at may obligasyon pa sa mga Manilenyo.
Nais din muna niyang mag-focus at saka lamang ito magdedesisyon.
Magiging tapat din aniya siya sa mga taga Maynila at siya ay magpapaalam kung anu man ang kanyang mapagpasyahan
Sinabi rin ng alkalde na bagamat natutuwa siya at “honored” na siya ay nababanggit na isa sa pinagpipiliang maging susunod na presidente ng Pilipinas ..siya pa rin ang magdedesisyon sa huli.
Si Domagoso ay kasalukuyang Vice Chairman ng NUP o National Unity Party. (GENE ADSUARA)
-
ENRIQUE, kinilig nang tinanong ng diretso ni MATTEO kung kailan sila magpapakasal ni LIZA
KINIKILIG si Enrique Gil sa naging podcast interview ni Matteo Guidicelli sa kanilang dalawa ng girlfriend na si Liza Soberano. Tinanong kasi ng diretso ni Matteo ang mga ito kung kailan daw pakakasal. Then, nagbigay pa ito ng assurance kina Liza at Enrique na tulad nga ng experience niya ngayong […]
-
300 employees ng Singaporean bank inilikas dahil sa COVID-19 case
AABOT sa 300 staff ng isang malaking bangko sa Singapore ang inilikas bilang precautionary measure laban sa coronavirus infectious diseases (COVID-19). Ito’y kasunod ng ulat na isa sa mga empleyado ang na-diagnose sa sakit. Sinabi ng isang International correspondent na si Mercy Saavedra Cacan, na isinailalim na sa 14-day home quarantine ang mga […]
-
KIM, posibleng makalaban ni SHARON sa pagka-Best Actress sa next awards season ayon sa netizens
ANG Halloween presentation ng Reality Multi Media Studios at Viva Films na Sa Haba ng Gabi ang pangatlong pelikula nina Jerald Napoles at Kim Molina para sa 2021. Ibang-iba nga ito sa Ang Babaeng Walang Pakiramdam at Ikaw at Ako at ang Ending. Ang multi-awarded director na si Erik Matti ang producer at si Miko Livelo […]