Israeli envoy, hangad na palawakin ang agri training program sa Pinas
- Published on January 29, 2025
- by Peoples Balita
ITINUTULAK ni Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss na palawakin ang ‘intensive agricultural training program’ sa Pilipinas para maabot ang mas maraming lalawigan sa bansa.
Binigyang diin ni Fluss ang pagiging dalubhasa ng Israel sa pagpapalago ng mga ‘ fruit trees, mga gulay at high-value crops’ gamit ang scientific methods, sa kabila ng hindi pagpo-produce ng bigas o palay.
Ani Fluss, masaya siya na dalhin sa mga lalawigan ang kanilang kaalaman sa pamamagitan ng Agro Studies program, tinatayang 700 Filipino interns ang nagpartisipa sa kanilang programa sa pamamagitan ng partnership sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Ang programa, nagtagal ng 11 buwan, isinabak ang mga interns sa hands-on training kasama ang mga magsasaka sa loob ng limang araw sa isang linggo, mayroong isang araw na nakatuon lamang sa academic studies at isang araw na ‘day off.’
Ang paliwanag ni Fluss, layon ng programa na baguhin ang ‘mindset’ ng mga interns’, ipakilala ang modern farming techniques sa iba’t ibang lugar gaya ng ‘fruit trees, cut flowers, at mga gulay.’
“They see how modern farming is done. They get expertise in different areas, fruit trees, cut flowers, vegetables. The idea is after they come back from their internship in Israel, they would introduce the best practices and knowledge to the Philippines,” aniya pa rin.
Upang mas mapalawig pa ang inisyatiba, tinintahan ang isang kasunduan sa pagitan ng Department of Agriculture-Agricultural Training Institute habang ang lokal na pamahalaan ay hinikayat na magpadala ng mas maraming interns.
“We want to see how we can work together and improve Philippine agriculture. That is why we are expanding the partnership,” dagdag na wika nito.
Sinabi pa ni Fluss, na ang interns ay hindi kinakailangan na isang estudyante, subalit maaaring manggaling ang mga ito sa mga proyekto ng lokal na pamahalaan at local government and private sector initiatives.
Binanggit din niya na kinokonsidera ng TESDA na pagsamahin ang suporta para sa mga ‘returning interns’ para makatulong na ipatupad ang kanilang panukalang business plans.
Samantala, dumalo naman si Fluss sa Dinagyang Festival, araw ng linggo at nakipagpulong kina Iloilo City Mayor Jerry Treñas, Governor Arthur Defensor Jr., at mga kinatawan mula sa Philippine Chamber of Commerce and Industry-Iloilo at West Visayas State University.
Kasama sa naging talakayan ang mga plano na imbitahan ang pribadong sektor at mga opisyal ng pamahalaan ng Iloilo para sa malalapit na roadshow tampok ang mga teknolohiya ng Israeli at isang webinar ukol sa education technology sa pagtatapos ng Pebrero. (Daris Jose)
-
Tinupad ang pangakong fully committed sa pagiging mistress at kontrabida: LIANNE, na-single out ni Direk LAURICE sa mahusay na pagganap
IKINATUWA ng award-winning director na si Laurice Guillen ang mahusay na performance ng buong cast ng GMA teleserye na Apoy Sa Langit. Na-single out ni Direk Laurice ang pagganap bilang Stella ng Kapuso actress na si Lianne Valentin. Tinupad daw nito ang pangako na fully committed siya sa kanyang role bilang isang […]
-
Magalong sinopla si Abalos sa P6.7 bilyong shabu ‘cover-up’
TILA kinontra ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang alegasyon ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na may “cover-up” o tinangkang pagtakpan ang P6.7 billion drug haul sa Manila noong 2022. Inihayag ito ni Magalong kasunod ng iprinisinta ni Abalos na CCTV footage kung saan makikita umano na dalawang opisyal at […]
-
DPWH: CALAX malaking tulong upang mabawasan ang trapiko sa Calabarzon
Nagkaron ng inagurasyon at ceremonial opening noong nakaraang buwan ang Cavite-Laguna Expressway (CALAX) Sub-section 5 mula sa Silang East Interchange papuntang Sta.Rosa-Tagaytay Interchange sa Cavite na may tinatayang 5,000 na motorista ang gagamit at dadaan sa nasabing expressway. “While this pandemic may have slowed down and disrupted the implementation of projects, the […]