Ita-translate sa iba’t-ibang wika para sa Asian tour: Award-winning play ni Direk NIJEL na ’Subtext’, isa nang musical
- Published on January 27, 2025
- by Peoples Balita
UNANG nakilala sa teatro ang award-winning na international film director-writer-producer na si Direk Nijel de Mesa na marahil ay hindi na natatandaan ng marami.
Isa nga sa mga unang obra niya na nagbigay sa kanya ng pagkilala ay ang kanyang dula na “Subtext,” na nanalo ng 1st Prize sa Don Carlos Palanca Awards for Literature.Na later on ay naging isa itong full-length movie at na ngayon ay isang nakakikilig na musical play na! Ang kwento ay umiikot sa mga pagsubok sa pakikipag-relasyon at komunikasyon.Kasama sa mga naunang cast noon ay sina Victor Neri, Soliman Cruz, Lou Veloso, Harlene Bautista, Paolo Contis, Ciara Sotto, Boboy Garovillo, at Nova Villa.Ngunit sa kasalukuyang bersyon na ito na isang musical ay tiyak na magugustuhan ng mga magkasintahan at pati na rin ang mga single sa pagsapit ng Buwan ng Pag-ibig. Ang “Ayoko Na, Talo, Ewan Ko, Meron Din Kaya, Ayoko na Hindi Ikaw” ay ilan lamang sa mga bagong orihinal na kanta na isinulat mismo ni Direk Nijel para sa dula, at ang mga musical arrangements ay ginawa ni Jopper Ril.Ang touring musical na ito ay dapat abangan ng ating mga kababayan abroad dahil soon ay mapapanood ito sa Japan, Taiwan at South Korea.Ayon kay Direk Nijel, pinakikiramdaman pa raw nila kung puwede nila itong dalhin sa CCP (Cultural Center of the Philippines) after nang pagpapalabas sa Sikat Studios.Pahayag pa niya, “pinanood na po ito ng mga producers, ita-translate po siya sa Nihongo, Mandarin at Hangul. Kaya nasa plano na mag-Asian tour ang ’Subtext the Musical’ and hopefully bago kami mag-tour, malaman namin ang pulso ng bayan.“At sana sa bawat pagtatanghal namin, makita din po ninyo ang sarili ninyo. Love month na sa February, sana mapuno ang puso ninyo ng pagmamahal.”Ang premiere cast ng musical version na ito ay kinabibilangan ng anim na mahuhusay na aktor at aktres na kaya ring kumanta. Ang ’Subtext the Musical’ at binubuo ng tatlong bahagi na magpapakilig, magpapatawa at magpapaluha sa mga manonood.Ang talong pares ay sina Cherry Morena at Jiro Custodio (na mula sa NET25’s Star Kada), Ced Recalde at Shane Santos, Karl Tiuseco at Gaye Angeles.Pawang pinalakpakan ang pagtatangghal ng anim na bida, na hindi lang nagpakita ng husay sa pag-arte, pati na rin sa pag-awit.Siguradong lahat ay makaka-relate lalo na noong panahong uso pa ang pagtawag sa telepono, pagsusulat ng mga liham at pagpapadala ng text.Kaya huwag ninyong palampasin ang natitirang pagtatanghal sa Pebrero 1, 8, at 15, 2025, alas-7 ng gabi sa Sikat Studios Main Hall sa 305 Tomas Morato, Quezon City.Produced ng “One Acts Theater” division ng NDMstudios ang “Studio Run” na ito.Para sa mga tiket, mag-text o tumawag kay Ms. Junna Marie sa 09062266750.(ROHN ROMULO)
-
Panawagan sa mga kandidato, huwag gamitin ang bagyo sa pamumulitika
UMAPELA si Transportation Secretary Art Tugade sa mga political aspirants na huwag gamitin sa pamumulitika ang relief operations sa mga lugar na sinalanta ng bagyong “Odette”. Aniya, tinutulungan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga naapektuhan ng bagyong Odette ng walang “publicity.” Aniya, tumutulong ang DOTr sa typhoon-affected areas ng walang publisidad at […]
-
HVI drug suspect laglag sa P1.3 milyong shabu sa Caloocan
AABOT sa mahigit P1.3 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang drug suspect na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos matimbog ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, Lunes ng gabi. Kinilala ni Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief P/Lt. Restie Mables ang naarestong suspek na […]
-
GINANG HULI SA PABAHAY SCAM
INARESTO sa isang entrapment operation ang isang 52-anyos na ginang matapos nangikil ng pera sa kanyang biktima kapalit ng isang unit ng bahay sa National Housing Authority (NHA) sa Naic, Cavite Lunes ng hapon sa Naic, Cavite. Kasong Estafa thru fraud ang kinakaharap ng suspek na si Jesusa Austral y Queyquet, may-asawa ng […]