• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IVANA, matunog na matunog at kasama rin sa hula sina DENISE at JANELLA na posibleng maging ‘Valentina’

MAKIKILALA na ngayong araw kung sino ang napili para sa iconic villain role na si Valentina sa Darna: TV Series na pagbibidahan ni Jane de Leon.

 

 

Matunog na matunog nga ang pangalan ni Ivana Alawi at may nagwi-wish na sana ay si Denise Laurel na isang magaling na aktres at type din nila si Janella Salvador.

 

 

Ilan pa bet na bet ng netizens na gumanap na kontrabida ni Darna sina Lovi Poe, Jackie Rice at Janine Gutierrez.

 

 

May nagbanggit din ng pangalan nina Jane Oineza, Sofia Andres at Michelle Vito, na sana raw tulad ni Jane ay mabigyan din ang huli ng big break ng ABS-CBN.

 

 

Marami naman daw nag-audition for the iconic role, at mukhang ang nakakuha ng pansin sa pinakitang angas at galing ay magmumula rin sa Star Magic.

 

 

Kaya tiyak na magiging maganda ang triangle nina Jane, Joshua Garcia at ang aabangang luckiest star na ipakikilala na nga ngayong araw sa kanilang #ValentinaReveal na posible kayang nagsisimula rin sa letter ‘J’ ang mapili?

 

 

***

 

 

SA ika-25th year ng Tallinn Black Nights Film Festival (PÖFF), tatlong pelikula na mula sa Pilipinas ang napiling mag-participate para sa taunang film na ginaganap sa Tallinn at Tartu, Estonia, na  nagsimula noong November 12 at magtatapos sa November 28, 2021.

 

 

Ang Big Night ni Jun Robles Lana ay lalaban sa Main Competition, kasama ng 19 other competing films from all over the world to premiere in one of the biggest international film festivals in Northern Europe.

 

 

Pagkatapos ng tagumpay ng Kalel, 15 sa 23rd PÖFF noong 2019 na kung saan nanalo si Direk Lana ng Best Director Award, kaya ang Big Night! is much anticipated by international audiences and film critics na pinagbibidahan ni Christian Bables.

 

 

Kasama sa movie ang outstanding cast of the industry’s brightest stars na sina Eugene Domingo, Gina Alajar, Janice de Belen, Ricky Davao, Gina Pareño, Alan Paule, Soliman Cruz, at John Arcilla.

 

 

Napili naman ang movie si Khavn De La Cruz na Love is a Dog from Hell sa Rebels with a Cause category.

 

 

Si Direk Khavn ay notable for his surprising treatments and his experimental approach to storytelling. Para sa movie na ito, he made a bizarre and fascinating spectacle shot with ten various cameras.

 

 

Finally, ang How to Die Young in Manila ni Petersen Vargas ay magko-compete sa PÖFF Shorts Competition which is set to begin mid-festival, November 16 until November 24.   The film follows a teenage boy as he trails a group of hustlers in search for his anonymous night fling. One by one, the boys turn up dead until there is only one left.

 

 

Ang tatlong proudly Pinoy films ay magwo-world premiere sa Tallinn at magkakaroon ng multiple screenings across different venues in Estonia sa loob ng 2-week film festival.

 

 

Nag-extend ng pagbati ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa mga participants sa Tallinn Black Nights Film Festival.

 

 

Pahayag pa ni FDCP Chairperson and CEO Liza Diño, “Thank you to our three filmmakers for bringing the Philippines with them in the spotlight at Tallinn Black Nights International Film Festival. We are proud of them. Congratulations for making it to the competitions, and the best of luck to all of them in the coming days.” 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • DOH humingi ng karagdagang P3.6-B pondo para sa special risk allowance ng mga health workers

    Humingi ng karagdagang P3.6 billion na pondo ang Department of Health (DOH) para sa special risk allowance (SRA) ng mga healthcare workers sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon kay Undersecretary Maria Rosario Vergeire.     Ayon kay Vergeire, nag-request na ang DOH para rito noong Abril at hinihintay na lamang sa ngayona ng tugon dito […]

  • 13.2 milyong pamilyang Pinoy, kinokonsidera ang kanilang sarili bilang mahirap -OCTA survey

    TINATAYANG 50% o 13.2 milyong pamilyang  Filipino ang kinokonsidera ang kanilang mga sarili na mahirap sa  fourth quarter ng 2024.   Sinasabing tumaas ito mula 11.3 milyong pamilya (43%) sa third quarter survey ng OCTA Research’s Tugon ng Masa.   Ang  survey, isinagawa mula November 10 hanggang 16, 2024 ay nagpahayag na 7% na puntos ang […]

  • 9 na Japanese Nationals, ipinatapon dahil sa Telco Fraud

    IPATATAPON pabalik sa kanilang bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang siyam na Japanese nationals na inaresto ng mga operatiba ng immigration dahil sa kahilingan ng mga awtoridad sa kanilang bansa dahil sa wanted sa telecommunications fraud.   Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente Irie Dai, Ishii Kyogo, Hamaoka Kantaro, Maeyama Takuto, Tanaka Kazuya, Yoshida […]