• July 18, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IVERMECTIN, LABAG SA PAGBEBENTA

LABAG ang pamamahagi, pagbebenta at kahalintulad ng mga hindi rehistradong medical products gaya ng Ivermectin,sa ilalim ng Republic Act 9711 of FDA Act 0f 2009  ayon sa Department of Health (DOH).

 

 

Sinabi ito ni Health Usec Maria Rosette Vergeire, sa gitna ng mainit na usapin hinggil sa paggamit ng naturang gamot na isang veterinary product .

 

 

Ilan kasi sa mga nagsusulong sa paggamit ng naturang gamot para sa COVID-19 ay ilang mga kongresista na umano’y nakasubok na rin sa Ivermectin.

 

 

Babala naman ng DOH, hindi matitiyak ng gobyerno na ligtas ang naturang gamot lalo’t hindi rehistrado para inumin. Hindi rin umano ito kayang protektahan ang sinuman mula sa anumang sakit.

 

 

Ayon pa kay Vergeire, ang Ivermectin ay wala pang aprubado sa FDA  para sa human consumption o para maaaring magamit o mainom ng tao at lalo para sa  panlaban sa COVID-19.

 

 

Nauna na ring inihayag ng kumpanyang Merck, na siyang manufacturer ng Ivermectin, walang “scientific basis,” ebidensya at kulang pa sa safety data na makakapagsabing epektibo ang Ivermectin kontra sa COVID-19. (GENE ADSUARA)