• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IWAS COVID-19

PANDEMIC na ang COVID-19, sambit ng World Health Organization (WHO) na ibig sabihin ay mala-king bahagi na ng daigdig ang kinalatan ng virus.

 

Maging ang Switzerland at Austria na masyadong mahigpit sa pagbabantay para hindi makapasok ang virus ay mayroon nang tig-isang kaso. Maski sa Middle East ay nakapasok na ang COVID-19 ma-karaang may dapuan sa Iran at mismong ang de-puty health minister doon ang tinamaan. Marami na rin ang nagkaroon ng sakit sa Italy.

 

Sa ngayon ay nangangamba naman ang Japan na maaaring hindi matuloy ang Tokyo Olympics dahil sa pagkalat ng virus. Pumapangalawa ang South Korea sa may pinakamaraming tinamaan ng virus na umaabot na sa 1,260 at 12 na ang namamatay.

 

Dito sa Pilipinas, nananatili pa ring tatlo ang nagpositibo at pawang Chinese ang mga biktima na nakauwi na sa kanilang bansa. Isa naman ang naiulat na namatay.

 

Wala pang Pinoy na direktang nahawahan ng sakit. Ibig sabihin, naipatutupad ng pamahalaan ang mga pag-iingat at sinisigurong walang makakapasok na may taglay na virus.

 

Ang partial travel ban na pinag-utos ng pamahalaan sa South Korea ay isang magandang hakbang para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. Sa ilalim ng travel ban, hindi makakapasok sa bansa ang mga turistang nanggaling sa North Gyeongsang province, South Korea. Sa nasabing lugar nagsimula ang outbreak makaraang isang Chinese umano ang dumalo roon para sa religious rites. Halos buong miyembro ng religious sect ay nahawahan umano ng sakit.

 

Lahat nang paraan ay ginagawa ng pamahalaan para maiwasan ang COVID-19.

 

Ipatupad pa ang paghihigpit para hindi makapasok ang virus sa bansa. Ipagpatuloy ng Department of Health (DOH) ang pagpapaalala na laging maghugas ng kamay ang lahat para hindi mahawahan ng COVID-19.

 

Gumamit ng face mask subalit huwag namang mag-panic sa pagbili nito at baka naman maubusan ang hospital workers. Sa pag-iingat at pagiging malinis at malakas ang katawan, kusang mamamatay ang virus.

Other News
  • PBBM, tinipon ang ‘functional’ gov’t sa kanyang first 100 days

    NANINIWALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na matagumpay niyang napagsama-sama ang “functional government” na kinabibilangan ng “best and the brightest Cabinet members” sa kanyang first 100 days sa tanggapan.     “I think what we have managed to do in the first 100 days is put together a government that is functional and which has […]

  • Ads February 17, 2022

  • Student financial aid, sapat lang para sa 20% ng 2 milyong aplikante

    SINABI ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi lahat ng mga estudyante na lumagda sa educational assistance program ay makatatanggap ng cash aid.     Ayon kay  DSWD spokesperson Romel Lopez, ang aplikasyon para sa programa ay umabot na sa dalawang milyon subalit 20% lamang ng dalawang milyon o 400,000 estudyante ang […]