Jackie Chan, magsisilbing torchbearer sa nalalapit na pagbubukas ng Paralympics 2024
- Published on August 28, 2024
- by @peoplesbalita
MAGSISILBING isa sa mga torchbearer si Hong Kong-born martial arts actor Jackie Chan sa nalalapit na opening ceremony ng Paralympics sa Paris, France.
Ang 70 anyos na martial artist ay naatasang magbitbit sa Paralympic torch sa Paris at ipaparada ito ilang oras bago ang nakatakdang opening ceremony.
Unang sinindihan ang Paralympic flame noong araw ng Sabado sa United Kingdom, ang kinikilalang birthplace ng Paralympic Games.
Mula sa UK, ibiniyahe ito papuntang France sa pamamagitan ng Channel Tunnel sa pamamagitan ni wheelchair fencing medalist Emmanuelle Assmann.
Batay sa schedule, darating sa Paris ang naturang tanglaw pagsapit ng Miyerkules(oras sa France) para sa nakatakdang pagsisimula ng Paralympics sa araw ding iyon.
Gaganapin ang opening ceremony ng Paralympics sa Stade de France, kasama ang magarbong athletes parade sa ilang bahagi ng central Paris.
Nakatakda ang Paralympics mula Aug 28 hanggang Sept. 8, 2024 kung saan mahigit 4,400 atleta ang magpapaligsahan sa 22 sports.
Sa edisyong ito ng Paralympics, mayroong 549 medal na paglalabanan ng mga atleta.
-
Ads September 8, 2021
-
Mag-asawang Dela Cruz papalaso sa SEA Games
BUO na pala ang national men’s and women’s archery team na mga tutudla sa 31st Southeast Asian Games 2022 sa Hanoi, Vietnam na nakatakda saa parating na Mayo 12-23. Gigiyahan ng mag-asawang Paul Marton at Rachelle Anne Dela Cruz ang koponang puntiryang mahigitan ang nag-iisang gold medal na nakamit ng bansa nang huling […]
-
MGA DATING MIYEMBRO NG NPA, PINASALAMATAN NI LABOR SECRETARY BELLO SA PAGTITIWALA SA PAMAHALAAN
PINAGKALOOBAN ng ayuda ng Department of Labor and Employment ang dating mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa liblib na bayan sa Currimao, Ilocos Norte. Personal na dumalaw si Labor Secretary Silvestre Bello III upang ipakita ang katapatan ng pamahalaan sa paghahatid ng kapayapaan sa bansa lalo na sa hanay ng mga dating […]