James gumawa ng NBA history
- Published on March 7, 2025
- by Peoples Balita
TUMAPOS si LeBron James na may 34 points at naging unang player sa NBA history na umiskor ng 50,000 combined points sa regular season at playoffs sa 136-115 paggiba ng Lakers sa New Orleans Pelicans.
Iniskor ng 40-anyos na si James ang kanyang ika-50,000 points matapos isalpak ang isang three-pointer sa first quarter kasunod ang standing ovation ng kanyang mga fans.
Patuloy ang pagbandera ni James sa all-time scoring list kasunod si legend Abdul-Jabbar na may 44,149 combined points.
Humakot si Luka Doncic ng 30 points, 15 assists at 8 rebounds para sa ika-17 panalo ng Los Angeles (39-21) sa huling 20 laro para sa second place sa Western Conference.
Sa Chicago, nagsalpak si Donovan Mitchell ng 28 points at kumolekta si Jarrett Allen ng 25 points at 17 rebounds sa 139-117 pagmasaker ng NBA-best Cleveland Cavaliers (51-10) sa Bulls (24-38).
Sa Phoenix, bumira si Kevin Durant ng 34 points at may 17 markers si Devin Booker sa 119-117 paglusot ng Suns (29-33) sa LA Clippers (32-29).
Sa New York, tumirada si Stephen Curry ng 28 points sa 114-102 panalo ng Golden State Warriors (34-28) sa Knicks (40-21).
Sa Atlanta, humakot si Giannis Antetokounmpo ng triple-double na 26 points, 12 rebounds at 10 assists sa 127-121 pagdakma ng Milwaukee Buck (35-25) sa Hawks (28-34).
-
Mas mahigpit na quarantine sa Metro Manila nakaamba
Nakaamba ang pagpapatupad ng mas istriktong quarantine sa Metro Manila kung magpapatuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, titingnan ang tinatawag na “two-week attack rate” at ang critical care capacity ng mga ospital. Sinabi ni Roque na hindi na maibabalik ang panahon para sa mga hindi sumunod […]
-
Ads March 27, 2024
-
ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ginamit na rin ang mga presidential helicopter upang mapabilis pa ang relief operations sa mga nasalanta ng Bagyong #KristinePH sa iba’t ibang lugar sa bansa.