• July 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

James malapit ng malampasan ang record ni Kareem Abdul-Jabbar

Naging pangalawang manlalaro si LeBron James ngayong Linggo (Lunes sa Manila) sa kasaysayan ng NBA na umiskor ng mahigit 38,000 puntos, kasama si Kareem Abdul-Jabbar sa isang elite club.

 

 

Naabot ni James ang milestone sa laro ng Los Angeles Lakers laban sa Philadelphia 76ers.

 

 

Sumalpak ang  apat na beses na NBA Most Valuable Player ng isang jump shot mula sa tuktok upang maabot ang 38,001 puntos sa kanyang kumikinang na karera.

 

 

Hinahabol ng “King” ang all-time NBA scoring record na hawak ni Abdul-Jabbar, na may kabuuang 38,367 puntos sa kanyang sariling maalamat na karera.

 

 

Sa pagpasok ng laro noong Linggo, si James ay nag-average ng 29.0 points sa 50.3% shooting para sa Lakers.

 

 

Isang four-time champion, si James ay may career average na 27.2 points, 7.5 rebounds, at 7.3 assists kada laro. (CARD)

Other News
  • PBBM, susuriin ang memo circular hinggil sa term of office ng ilang gov’t officials

    NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na susuriin nitong mabuti ang memorandum circular kaugnay sa  ‘term of office’ ng ilang government officials.     Sa isang panayam matapos dumalo sa  49th Founding Anniversary ng Career Executive Service Board (CESB), sinabi ni Pangulong  Marcos na nais niyang tugunan ang mga usapin na may kinalaman sa ilang  […]

  • Ilang araw bago ang third anniversary: VICE, ini-reveal sa vlog na ikinasal na sila ni ION sa Las Vegas

    NI-REVEAL ng Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda sa kanyang YouTube channel noong February 13, na kinasal na sila ni Ion Perez.     Mapapanood nga sa vlog na noong October 19, 2021 pa sila ikinasal ni Ion sa Little Vegas Chapel sa Las Vegas, ilang araw bago sila nag-celebrate ng ikatatlong taon bilang […]

  • NAVOTAS COASTAL DEVELOPMENT

    MASAYANG ibinalita nina Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco na nagbunga na ang matagal nia nilang plano na pinakamalaking proyektong pabahay para sa mga Navoteño, ang Navotas Coastal Development.     Ayon kay Mayor Tiangco, ang proyektong ito ay pinagplanuhan nila ni Cong. John Rey kasama ang San Miguel Corporation at walang gagastusin […]