James nagpasikat sa panalo ng Lakers vs Wolves
- Published on March 20, 2021
- by @peoplesbalita
Kumolekta si LeBron James ng 25 points, 12 rebounds at 12 assists para sa kanyang ika-99 career triple-double para banderahan ang nagdedepensang Lakers sa 137-121 paghuli sa Minnesota Timberwolves.
Umiskor din si Montrezl Harrell ng 25 points para sa panalo ng Lakers (27-13), nakahugot kina Dennis Schröder, Kyle Kuzma at Talen Horton-Tucker ng tig-16 markers, laban sa Timberwolves (9-31).
Sa Boston, humugot si Donovan Mitchell ng walo sa kanyang 21 points sa final canto at kumonekta ang Utah Jazz (29-10) ng 19 tripless para kunin ang 117-109 panalo sa Celtics (20-19).
Sa Philadelphia, humataw si Tobias Harris ng 30 points para sa 99-96 pag-eskapo ng 76ers (28-12) sa New York Knicks (20-21).
Sa Portland, naglista si Damian Lillard ng 50 points, 10 assists at 6 boards para pamunuan ang Trail Blazers sa 125-124 paglusot sa New Orleans Pelicans (17-23).
Sa Miami, nagtala si Jimmy Butler ng 28 points at 12 boards para akayin ang Heat (22-18) sa 113-98 pagsunog sa Cleveland Cavaliers (14-25).
Sa Houston, tumipa si Danilo Gallinari ng 20 sa kanyang 29 points sa first half at dinagit ng Atlanta Hawks (20-20) ang 119-107 tagumpay sa Rockets (11-27).
Sa Chicago, nagpasabog si Zach LaVine ng 40 points para sa 123-102 pagbangga ng Bulls (18-20) sa Oklahoma City Thunder (17-23).