• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Japan, nagbigay ng $4.2-M

NAGPALITAN ng diplomatic notes ang Japan at ang International Organization for Migration (IOM) para sa USD4.2 million (P215.9 million) project na makapagbibigay ng “shelter kits, health clinic support, at medical equipment” sa mga lalawigan at ilang bahagi ng Pilipinas na labis na sinalanta ng bagyong Odette noong nakaraang taon.

 

 

“Japan, in light of the amicable relations with the Philippines, intends to closely coordinate with the Philippines for the earliest recovery of the affected areas,” ayon sa Embahada, araw ng Huwebes.

 

 

Ang proyekto ay bahagi ng USD13 million ( P663 million) Emergency Grant Aid for Typhoon Odette humanitarian assistance activities ng Tokyo sa bansa.

 

 

Sa ilalim ng inisyatibang ito, makatatanggap ang IOM ng USD4.2 million para pondohan ang shelter repair kits na ipamamahagi sa 2,420 sambahayan o households; camp coordination at camp management assistance para sa 4,000 internally displaced persons sa 20 evacuation centers; operasyon ng mobile health clinics; capacity building para sa 7,400 individuals; at pagbili ng emergency medical equipment para sa apat na health facilities.

 

 

“The project is in partnership with the Catholic Relief Services and CARE Philippines and will indirectly benefit an estimated 64,681 individuals,” ayon sa Embahada.

 

 

Ang ‘exchange of notes” ay isinagawa noong Enero 17 sa pagitan ng mga kinatawan mula sa Japanese government at IOM saGeneva, Switzerland.

Other News
  • Filipinas, 7 iba pang teams, pinuri ng FIFA sa World Cup

    Pinuri ni FIFA General Secretary Fatma Samoura ang Philippine womens’ Football team dahil sa pagpasok sa unang pagkakataon sa World Cup.   Matatandaang kabilang  ang Pilipinas at pitong iba na kinabibilangan ng Haiti, Morocco, Panama, Portugal, Ireland, Vietnam at Zambia sa mga bansa na unang sasabak sa World Cup.   Sisipa ang FIFA Women’s World […]

  • PRC, vindicated vs kuwestyon sa kanilang COVID test results

    Ikinagagalak ng Philippine Red Cross (PRC) ang findings ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na nagsasabing accurate ang COVID-19 RT-PCR swab tests.     Matatandaang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang naglabas ng isyu, matapos lumutang na may mga false positive cases na nasuri ang PRC laboratory sa Subic, Zambales.   Ayon sa pangulo, […]

  • PDu30 at Pacman, nagpulong sa Malakanyang, nagkabati na

    KINUMPIRMA ng Malakanyang ang nangyaring pulong noong Nobyembre 9 sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Senador Manny Pacquiao.   ” It was a short and cordial meeting requested by the camp of the good Senator,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.   Aniya, naroon din sa pulong si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go. […]