• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Japan, nagbukas ng scholarship applications para sa Japanese studies, teacher training

NAGBUKAS ang Embahada ng Japan sa Pilipinas ng aplikasyon nito para sa mga Japanese Studies and Teacher Training category ng 2025 Japanese Government (Monbukagakusho) scholarship.
Sa pamamagitan ng Japanese embassy sa Maynila , inanunsyo ng Japanese government ang pagbubukas ng scholarship programs, araw ng Biyernes, Disyembre 27.
Ang mga aplikante ay dapat na Filipino citizen para sa parehong programa.
Para sa Japanese Studies, ang mga aplikante ay dapat na wala pang 30 taon sa April 2, 2025 at kasalukuyang naka-enroll sa ‘undergraduate level at may pangunahing kurso sa larangan na may kinalaman sa Japanese language at/o Japanese culture.
“They must have majored in a field related to Japanese language or culture for a total period of at least one year as of Sept.1, 2025,” ayon sa Embahada.
Para naman sa Teacher Training, ang mga aplikante ay dapat na wala pang 35 taong gulang sa April 2, 2025 at dapat ay mayroong limang taon na teaching experience sa elementary o secondary educational institutions ‘as of Oct.1, 2025.’
Dapat ay kasalukuyang nagta-trabaho ang mga ito bilang guro sa isang elementary o secondary school.
Ang application forms at iba pang impormasyon ay maaaring makita at ma-download mula sa Embassy website.
Pinaalalahanan naman ng Embahada ang mga interesadong aplikante sa deadline para sa pagsusumite ng aplikasyon, ito ay sa darating na Pebrero 14, 2025 (Biyernes).
“Only physical documents mailed through courier or hand-delivered to the Embassy will be accepted,” ang winika pa ng Embahada.
Samantala, ang mga programa ay nasa ilalim ng Japan Information and Culture Center (JICC) ng Embahada.
( Daris Jose)
Other News
  • Gumamit ng teknolohiya para labanan ang krimen, magsilbi sa mga Filipino

    HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 223 bagong uniformed personnel sa ilalim ng Philippine National Police Academy (PNPA) “Layag-Diwa” Class of 2024 na gamitin ang teknolohiya sa paglaban sa krimen at pagsisilbi sa mga mamamayang Filipino.     “Most of you were born when the internet was no longer in its infancy, and you […]

  • NBA legend Michael Jordan nagbigay ng $2-M donasyon para sa mga walang makain sa US

    Nagbigay ng $2 million na donasyon si NBA legend Michael Jordan para mapakain ang mga mahihirap sa US.   Ayon sa relief outfit na Feeding America, na hindi nagdalawang isip ang dating Chicago Bulls star na magbigay ng nasabing halaga.   Sinabi naman ni 14-time NBA All-Star, na mahalaga ang magbigay ng tulong lalo na […]

  • Walang ibang parte ng mukha na kanyang pinagawa: HEART, ipinagdiinan na sumailalim lang siya sa lip enhancement

    INAMIN ng Global Fashion Icon na si Heart Evangelista na sumailalim lang siya sa lip enhancement. Pero ang ibang parte ng mukha ay wala siyang pinagawa. “Lips lang ‘yung naiba. Lips lang ‘yung pinagawa ko. It’s true. I’m just saying the truth. If you don’t accept, well, wait for judgment day. Because this is all […]