Japan naghigpit sa mga atleta na mula sa mga bansang may mataas na kaso ng COVID-19
- Published on June 29, 2021
- by @peoplesbalita
Hinigpitan ng Japan ang ilang atleta na manggagaling sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19.
Kinabibilangan ito ng mga atleta na galing sa India, Nepal, Pakistan, Sri Lanka, Maldives at Afghanistan na may naitalang mataas na kaso ng Delta variant.
Nakasaad sa plano na kailangan na mag-swab test ang mga ito ng araw-araw sa loob ng pitiong araw.
Dati kasi ay dalawang beses lamang sila magpa-swab test bago ang kanilang pagpunta sa Tokyo.
Isinagawa ang paghihigpit matapos na magpositibo sa Delta variant ang isang atleta mula sa Uganda.
-
DURA-DURA GANG ARESTADO
INARESTO ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang apat na hinihinalang miyembro ng Dura-Dura Gang nang dakpin ng mga pulis matapos na mambiktima ng mga pasahero ng isang pampublikong bus. Ang mga naaresto ay sina Jayson Labanin, 26, ng Maganda Street, Sampaloc, Maynila; Mark Bactol, 30, ng V. Mapa St., Sta. Mesa, Maynila; […]
-
JOHN LLOYD, nilinaw na matagal na silang magkaibigan ni KATRINA, wish ng fans na magka-serye sila ni BEA sa GMA
NILINAW na ni John Lloyd Cruz, na friends lamang sila ni Kapuso actress Katrina Halili. Matagal na raw silang magkaibigan and in fact, dahil may real estate investments si Katrina sa El Nido Palawan, malamang na ang actress ang tumulong kay Lloydie, para makabili siya ng property doon. Still on John […]
-
Metro Manila mayors nagkasundo sa maikling curfew
Mas maikling oras na curfew ang nais ng mga alkalde ng Metro Manila upang bigyang-daan ang nalalapit na tradisyunal na Simbang Gabi . Bukod dito, sinabi kahapon ni Metro Manila Council Chairman at Parañaque Mayor Edwin Olivarez na inirekomenda rin nila sa national government na palawigan pa ang general community quarantine (GCQ) sa National […]