• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jason Tatum sinisi ang sarili sa pagkatalo ng team, babawi na lang daw sa Game 5

SINISI ni NBA All-Star Jayson Tatum ang kanyang sarili sa pagkatalo ng Boston Celtics kanina sa kamay ng Golden State Wariors sa Game 4 ng NBA Finals.

 

 

Ayon kay Tatum, responsibilidad niya kung bakit kinapos ang Boston.

 

 

Aniya, kailangan na mas episyente ang kanyang diskarte, maayos na tira para mas umepekto sa kanyang mga teammates.

 

 

Sa kabila nito, nagbigay pugay pa rin si Tatum sa Warriors dahil sa matinding game na ipinakita.

 

 

Sa naging panalo ng Warriors, para sa ibang mga nagmamasid ipinakita raw ni Stephen Curry ang kanyang legendary game na nagbuhos ng 43 points kung saan dinomina ang laro tuwing nasa loob siya ng court.

 

 

Kung mapanatili ng Warriors ang ipinakita kanina hanggang sa Game 5 ay isang panalo na lamang ang kanilang kailangan.

 

 

Gayunman para kay Tatum kumpiyansa pa rin siya na makakabawi sila sa next game at kailangan lang daw ay mabawasan ang kanilang mga turnovers at pag-ibayuhin ang kanilang offensive movement upang hindi madiskaril ang hinahangad nila na ika-18 kampeonato sa prangkisa ng Boston Celtics.

Other News
  • Slaughter, Aguilar medya pa lang ang pag-eensayo

    NAG-BONDING na uli sa hardcourt ang ‘kambal na tore’ ng Barangay Ginebra San Miguel na sina Gregory William ‘Greg’ Slaughter at Japeth Paul Aguilar, ayon sa isang social media account post ng huli nito lang isang araw.     Sa Instagram story ni Slaughter, 32, isang maikling clip na kinuhanan sa isang gym sa Pasig […]

  • Ads October 12, 2023

  • PBA umatras sa imbitasyon na makapaglaro sa Dubai dahil sa COVID-19 pandemic

    UMATRAS na ang PBA sa paglalaro sa Dubai dahil sa COVID-19 pandemic.     Sinabi PBA Commissioner Willie Marcial na isa sanang karangalan ang maglaro sa mini-tournament kasabay ng Expo 22 sa Dubai ay nagpasya sila na umatras dahil sa patuloy na pagtaas na kaso ng COVID-19.     Magkakaroon sana ng hindi bababa sa […]