• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jazz wala pa ring talo nang tambakan ang Rockets, 122-91; Fil-Ams Clarkson vs Green agaw pansin

Nananatili pa rin ang malinis na record ng Utah Jazz makaraang iposte ang ikaapat na panalo nang ilampaso ang Houston Rockets sa iskor na 122-91.

 

 

Walang patawad sa kanilang opensa ang ginawa ng Jazz kung saan pitong players ang nagtala ng double figures.

 

 

Kabilang sa mga ito ay sina Rudy Gobert, Donovan Mitchell, Bojan Bogdanovic, Eric Paschall, Hassan Whiteside, Jordan Clarkson at Joe Ingles.

 

 

Kabilang sa umeksena ang Fil Am at reigning Sixth Man of the Year na si Clarkson ay nag-ambag ng 16 points.

 

 

Ito na ang best start ng Utah sa 4-0 record mula noong 2006-2007 season.

 

 

Sa panig ng Houston ang isa pang Fil Am at rookie na si Jalen Green ay inalat at maraming mintis sa 3-point area na umabot sa walong tira na nabokya lahat.

 

 

Sa kabuuan nagpasok ng 13 puntos si Green. Ito na ang ikaapat na talo ng Rockets.

 

 

Ang tangi nilang panalo ay nang ma-upset nila ang Lakers.

 

 

Si Christian Wood ang nanguna sa Houston na may 16 points.

 

 

Samantala, agaw pansin naman ang pagbibigay pugay ng NBA sa Filipino Heritage Month.

 

 

Kinilala ng NBA ang pambihirang pagkakataon na dalawang NBA players na may dugong Pinoy ang sabay na nagtalo nitong araw.

 

 

Ang mga ina kasi nina Clarkson at Green ay parehong Pinay.

 

 

Nagbigay din nang pagsaludo ang NBA sa napakaraming fans sa Pilipinas ng liga at maging sa mga Pinoy na nakatira sa Amerika.

Other News
  • President Duterte pinasiyanan ang bagong Skyway 3

    Highways (DPWH), Citra Central Expressway Corp. at San Miguel Holdings ang siyang nagbigay daan upang mabuksan ang 19-kilometer segment ng Skyway na tumatahak mula sa Buendia, Makati hanggang North Luzon Expressway.   Dugtong pa ni Tugade na mayron na tayong tulo-tuloy na 35-kilometer elevated expressway na derechong magdudugtong sa Alabang at Balintawak.  Kung kaya’t walang […]

  • Wanted na rapist, nalambat sa manhunt ops sa Navotas

    LAGLAG sa selda ang isang kelot na wanted sa kaso ng panggagahasa matapos mabingwit ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City.     Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) na naispatan sa Brgy. Bangkulasi ang presensya ng 30-anyos na […]

  • Malacañang tikom sa pagtaboy ng barko ng China sa lantsa ng Pinas

    Tikom ang Malacañang sa napaulat na pagtaboy ng isang armadong barko ng China sa isang civilian vessel kung saan nakasakay ang crew ng ABS-CBN sa West Philippine Sea.     Ipinauubaya ni Presidential spokesperson Harry Roque sa Department of Foreign Affairs at sa Department of National Defense ang nasabing isyu.     Iniulat noong Huwebes […]