Jeep vs dump truck: 2 patay, 15 sugatan sa salpukan
- Published on March 6, 2020
- by @peoplesbalita
PATAY ang 2 pasahero at sugatan ang 15 iba pa, kabilang ang driver, ng isang jeep matapos sumalpok sa isang dump truck sa westbound Lane ng Marcos Highway, Barangay Dela Paz, Pasig City.
Dead on arrival ang biktimang si Jenny Ann Clariño, 21, at pumanaw na rin ang 31-anyos na foreman na si Joseph Amor matapos maipit sa banggaan.
Ayon sa pinsan ni Amor na si Julie, isa rin sa mga pasahero, puno ang sasakyan at mabilis ang pagmamaneho ng jeepney driver.
Depensa naman ng nagmamanehong si Jay-r Gangan, 27, normal lang ang kanyang takbo at kasisimula pa lang ng pamamasada niya. Itinanggi rin niyang nakainom o gumagamit siya ng droga.
Dagdag pa ni Gangan, umiwas lang siya sa isang truck sa unahan pero hindi nakita ang isa pang dump truck na nakatigil sa gilid ng kalsada. Pilit pa niya umanong iniwasan ang nakaparadang sasakyan.
Ayon naman sa driver ng truck na si Crisanto Fajanilan, 39-anyos, itinabi niya ang sasakyan dahil pumutok ang gulong nito.
Maglalagay pa lang siya ng early warning device nang sumalpok ang jeep. Hindi naman sila nasaktan ng kasamang pahinante.
Dagdag pa ni Fajanilan, hinabol niya si Gangan nang tumakbo ito hanggang sa kabilang lane ng Marcos Highway.
Hawak na ngayon ng pulis Pasig si Gangan na nahaharap sa mga kasong reckless imprudence resulting in homicide, multiple injuries and damage to property.
Ang mga sugatang pasahero naman ay isinugod sa mga ospital ng Pasig (Pasig City General Hospital), Marikina (Amang Rodriguez Memorial Medical Center) at Quezon City (Quirino Memorial Medical Center).
-
Kasabay ng selebrasyon ng kanyang 40th birthday: IZA, isiniwalat na ipinagbubuntis na ang first baby nila ni BEN
SA Instagram post ni Iza Calzado-Wintle noong August 12, sabay sa celebration ang kanyang 40th birthday, isiniwalat ng magaling na aktres na magiging mommy na sa panganay anak nila si Ben Wintle. Umaapaw nga ang happiness ngayon ng Kapamilya actress na mapapanood sa ‘Darna’ TV series bilang ina ni Narda, simula ngayong gabi na […]
-
Justin Brownlee, ganap ng Filipino Citizen
Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang isang batas na nagbibigay ng pagkamamamayan ng Pilipinas sa American basketball player na si Justin Brownlee, sinabi ni Senador Francis Tolentino noong Huwebes. “Oo. I am so glad that President BBM sign Republic Act 11937,” ayon kay Tolentino, isa sa principal authors ng batas, nang […]
-
Nagluluksa rin sa pagpanaw ng dating manager: KRIS, sising-sisi at nanghinayang na ‘di nag-reach out kay DEO
SISING-SISI at nanghinayang si Kris Aquino na hindi man lang siya nag-reach out noong nabubuhay pa ang yumaong si Deo Edrinal. Sa kanyang Instagram post, isang mahabang mensahe ng pagpupugay ang isinulat ni Kris na kay Deo. Ibinahagi ni Kris ang kanyang panghihinayang na hindi man lang nakarating sa kanya nang lumalala na ang kalusugan […]